Chapter 10

6 1 0
                                    

GUSTONG itatak ni Elaine sa kanyang isipan na nag-eenjoy siya kasama si Kyouya ngunit tila hindi iyon ang nangyayari. Naninibago siya sa inaasal nito ngayon kumpara sa kilala niyang Kyouya noon. Mas madali itong pakisamahan at mas mabait ito sa Kyouyang kilala niya. Ang laki ng pinagbago nito sa nakalipas na taon.

"Kyouya-sama, aren't you busy now that you're the president of your company," pagbubukas niya ng usapan. Kung maglalakad lang sila at hindi mag-uusap ay hindi na lang sana sila lumabas.

"I've arrange everything before I went here. Where do you want to go?" Sa ngayon ay wala pa silang desitnasyon.

"I don't know. I haven't had the time to leisure around. I'll go ask Obaa-san," Na ang tinutukoy ay ang matandang lagi niyang nakikitang nakaupo sa bakuran nito.

Patakbo niyang tinungo ang bahay ng matanda at nandoon na naman ito at nakaupo habang umiinom ng paborito nitong tsaa.

"Ohayou, Obaa-san," bati niya sa matanda.

Nang lumingon ito sa kanya ay agad itong napangiti ng makita siya. Tumayo ito at nilapitan ang gate para buksan iyon.

"Ohayou, Sakura-chan. You look different today. That dress suits you," puri nito sa kanya.

"Arigatou." Nagpasalamat siya dito. "Obaa-san, is there a place here where we can got to relax?" tanong niya dito.

"Hai, there's this Kirishima Yaku National Park near by. You can go there if you want to relax," pag-iimporma nito sa kanya.

"Arigatou, Obaa-san."

"Oh. You're going with your boyfriend. This is the first time I saw with someone." Pahabol ng matanda.

Kahit hindi niya sabihin ay alam niyang namula ang kanyang pisngi. Binati rin ng binata ang matanda at mukhang masayang-masaya itong makilala ang binata.

"Obaa-san! He's a friend," pigil niya sa paninikso nito. Malapit siya sa matanda dahil na rin siguro ito ang una niyang nakilala sa lugar na ito at lagi pa niya itong nakikita kapag pumapasok siya sa kanyang trabaho. Para na rin niya itong lola.

"Sakura-chan you're so pure. It's okay to tell me about boyfriend. And you shouldn't get embarrass about. You have a such fine man here with you." Patuloy pa rin nito sa panunukso.

"Arigatou, Obaa-san," nakangiting sabi naman ni Kyouya.

"Hai. Hai. You also got a fine a lady young man. Even though I only know Sakura for a month it feels like she's a family to me now." Tila nakaramdanm siya ng kaginhawaan sa sinabi nito. Isang kapamilya ang turing nito sa kanya. "You better take good care of her of all of us in this town will punish you."

"Obaa-san!" gusto niyang pigilan ito sa pagsasalita ngunit tila nag-eenjoy naman ito kaya hindi na niya tinuloy ang balak niya.

"I assure you that I'll take good care of Sakura. It's a promise," sabi naman ng binata. Ginatungan pa talaga ang mga sinabi ng matanda.

"We need to go now, Obaa-san. See you later," paalam niya dito at hinila na ang kamay ni Kyouya. Kung mapapahaba pa a ng usapan nila ay baka mauwi sa kasalan ang usapan. Nang lingunin niya ito ay kumakaway ito habang nakangiti.

Pinuntahan nila ang park na sinasabi ng matanda sa kanila. Kahit na isang buwan na siya doon ay hindi niya naisipang puntahana ng naturang parke. Kung nalaman niya siguro ito ng mas maaga ay lagi siyang pupunta doon kapag wala siyang trabaho.

Malapit-lapit lang pala ang park na tinutukoy ng matanda sa kanila. Ngunit ngayon lang siya napadako doon.

"It looks like you've never been here before," basag nito sa katahimikang bumabalot sa kanila.

My Lady In Suit: Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon