Chapter 05

5 1 0
                                    

ISINUSUOT ni Elaine ang kanyang pang-itas ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Agad din naman nitong sinara ang pintuan ng makita ang istura niya.

Ilang oras lang ang naging tulog niya dahil kailangan niyang gumising ng maaga. Hindi magandang gawing dahiln ang pagkakaroon niya ng sugat para basta na lang pabayaan ang kanyang trabaho.

"Are you done?" tanong sa kanya ni Kenji. Ang sekretarya ng ama ni Kyouya. Nalaman na siguro nito ang nangyari kahapon sa mall.

"Hai."

Binuksan ulit nito ang pintuan at tumayo sa kanyang harapan.

"You can do whatever you want today. If you don't want to go to school, that's fine. If you want to rest all day, that's fine too. It's your day off," pagkasabi nito ay umalis din ito agad.

Kung day off niya sa araw na iyon ibig sabihin ay hindi na niya kailangang sundan si Kyouya. Magagawa na niya ang mga gusto niyang gawin. Pero hindi siya ganoong tao. Kahit na sabihin nilang magpahinga siya o libre siya sa na araw na ito ay hindi siya pwedeng maging kampante. Sa mga ganitong pagkakataon ay mas malala ang mga nangyayari. Ito ang pagkakataong hinihintay ng mga kalaban para sumugod.

Sa ngayon ay gagawin niya ang sinabi ni Kenji ngunit magiging alerto pa rin siya sa lahat ng bagay. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari habang wala ang atensyon niya kay Kyouya.

"Good morning, Ootori-sama," bati niya kay Kyouya. Hinintay niya itong lumabas bago siya pumasok sa eskwelahan.

"Aren't you suppose to be at the hospital?"

"I'm okay now. Good bye." Dahil pwede niyang gawin lahat ng gusto niya ay umarte siyang parang ganoon.

"Where are you going?"

"School," nagpatiuna na siyang maglakad. Sa pagkakataong ito ay gagamitin niya ang kanyang motorsiklo. Dinaanan niya iyon pauwi mula sa ospital. Doon din siya ibinaba ng taxi.

Pinaandar niya ang makina ng motor at nagsimula ng umarangkada. Ininspeksyon muna niya ang daang dadaanan ng binata papuntang eskwelahan. Madalas ay may mga nakikita siyang tao sa lugar at palakad-lakad. Kung hindi naman ay nakatayo lang sa may poste.

Tumigil siya sa isang kanto kung saan pwede niyang iparada ang kanyang motor at hintaying makalampas ang sasakyan ng binata ng hindi siya nakikita. Nang makita niyang lumampas na ang sasakyan ay pinaandar na niya ulit ang kanyang motor at dumiretso na sa eskwelahan.

"Good morning, El-sama," bati sa kanya ng mga nakakasalubong niya.

Mukhang El na ang tawag sa kanya ng lahat ng mga estudyante. Maliban kay Kyouya. Dinadahilan ng iba na mahirap daw bigkasin ang kanyang pangalan kaya iyon na lang ang tawag ng mga ito sa kanya. Kung tutuusin naman kasi ay hindi pang-hapon ang kanyang pangalan. May mga bansang nahihirapang bigkasin ang mga pangan ng mga taga ibang bansa.

Dumiretso siya sa kanilang silid at agad na umupo sa kanyang upuan. Dahil malapit siya sa bintana ay nakikita niya ang lahat ng mga estudyanteng pumapasok. Maging ang mga kosteng papasok pa lang sa naturang lugar.

Kabisado na niya ang mga sasakyan ng mga estudyante. Malalaman ang estado mo ng pamilya nila sa kung anong klase ng sasakyan meron sila. Mayayaman sila at kaya nilang bilhin halos lahat ng bagay. Siya? Nakapasok lang siya dahil sa trabaho niya. Wala siyang maipagmamalik katulad ng mga ito.

Binuksan niya ang librong ginagamit nila para sa nihonggo. Ang wika ng mga hapon. Dahil na rin sa doon siya nahihirapan at kailangan niyang matutunang maigi ang salita ng mga ito. Kahit na ilang buwan na siyang nandoon ay may mga salita pa rin siyang hindi maintindihan.

My Lady In Suit: Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon