INISA-ISA ni Elaine ang mga folders na nasa lamesa niya. Mula ng matapos niya ang una niyang kaso ay tinambakan na lang siya ng boss niya ng mas madami pa. Parang ayaw na siya nitong pagpahingahin pa at magtrabaho na lang mula araw hanggang gabi.
Gusto niyang magreklamo pero sino ba naman siya para gawin iyon? Hindi naman ganoon kahirap solusyunan ang mga kasong binigay sa kanya. Sa kalagitnaan ng kanyang pagbabasa ay nahagit ng kanyang mata ang isang malaking envelop. Sa dami ng laman siguro nito ay hindi nagkasya sa folder. Kinuha niya ito at binuksan. Ganoon na lang ang pagkagulat niya ng makita kung kaninong impormasyon ang nandoon. Bakit nandoon ang envelop sa kanya.
Agad niyang pinuntahan ang kanyang amo para tanungin ito ngunit lumabas daw ito kasama ang isang kliyente. Binasa niya ulit ang nilalaman ng envelop at simpleng paggugwardiya lang ang gagawin niya habang nasa Pilipinas ito. Inalam niya ang lokasyon ng kanyang boss at pinuntahan ito. Hihintayin niyang matapos ang meeting nito bago siya lalapit.
Natagpuan niya ang kanyang sarili na pumapasok sa isang coffee shop. Hinanap niya ang kanyang boss sa lugar ngunit hindi niya ito makita. Umakyat siya sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng establisimyento. Doon ay nakita niya ang kanyang boss kausap itong lalaki. Likod lang ang nakikita niya kaya hindi niya makilala kung sino ito. Maaring bagong kliyente at hindi rin niya kilala kaya bumaba ulit siya at umorder ng kapehabang hinihintay na matapos ang mga ito.
Dinala niya ang kanyang kape sa may labas ng gusali kung saan may nakalaang mga upuan para sa mga kostomer. Isang outside garden iyon at pinalilibutan ng madaming halaman at bulaklak. Natatakpan ng mga halaman ang nasa labas kaya hindi mo aakaliing nasa syudad ka.
Ilang minute na siyang naghihintay doon at hindi pa rin niya nakitang bumaba ang kanyang amo. Maaring napahaba ang usapan ng mga ito. kung hihintayin niyang matapos ang mga ito ay baka wala siyang matapos sa araw na ito kaya naman nagpasiya siyang bumalik na lang sa opisina at tingnan ang ibang kasong ibinigay sa kanya. Sa pagpasok niya ulit sa coffee shop ay saka namang nakita niyang bumaba ang kanyang amo kasama ang kausap nito kanina. Lalapitan na sana niya ito ng makilala niya ang taong kasunod nito.
Anong ginagawa ni Kyouya sa Pilipinas. Inalala niya ang mga impormasyong nasa folder tungkol dito at sa isang lingo pa dapat ito nasa Pinas. Mabilis niyang tinungo ang pintuan at lumabas. Narinig niyang tinawag siya ng kanyang boss na maaring napansin siya ngunit hindi niya ito pinansin. Magpapaliwanag na lang siya sa opisina kapag nagkita sila doon. Hindi pa oras para magkita sila ni Kyouya at lalong hindi sa ganitong paraan.
SA nakalipas na araw ay pilit niyang iniiwasang magkasalubong sila ng kanyang boss. Kung nasa Pinas na si Kyouya ay marahil hinahanap na siya nito para umpisahan ng mas maaga ang trabaho niya para dito. Pinilit niyang pumasok habang wala pa ito at umalis kapag padating na ito. Anino pa lang ang makita niya dito ay agad siya lumilihis ng direksyon para hindi sila magkita. Mukha mamng tumatakas siya sa trabaho niya pero sa tingin niya ay iyon ang tama sa oras na iyon.
"Agent L," tawag sa kanyang isa sa mga katrabaho niya. Tulad niya ay isa rin itong bodyguard ngunit ang hindi lang niya maatim ay lagi itong sumusunod sa kanya. Sinabi na nitong may gusto ito sa kanya at agad din niya itong binasted ngunit tila determinado itong makuha ang kalooban niya.
"Huwag ngayon, Jared. I'm not in the mood for your jokes," nagpatuloy siya sa paglalakad.
"Sinong nagsabing nagdyo-joke ako? I really like you. Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka?" sumunod din ito sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito.
"Kung matatapos mo ang mga kasong binigay sakin sa isang araw, I'll consider your proposal. Can you do it?," paghahamon niya sa binata.
BINABASA MO ANG
My Lady In Suit: Fall For You
General FictionStory based on the animated series Ouran HIgh School Host Club with additional characters. Focused on Kyouya Ootori's love life.