########################################################### ##################################################################
Hope you enjoy Reading! :D
################################################################# ################################################################
...Now Loading...
...6%...
############################################################## ################################################################
'Jeane' POV
Monday na ngayon kaya maaga akong nagising para ayusin ang mga kailangan kong requirements sa e-enrollan kong university.
Pagkatapos ko namang magayos at magbihis ay bumaba na ako. Sinalubong ako ng ibang mga maid at nakapila itong naka bow sakin.
(-_-) ganito lang ang mukha ko ng hindi ko sila pansinin at naglakad na ako papuntang dining table.
Pagkaupo na pagkaupo ko ay may biglang naghain saking adobong manok. Napalingon ako dito at bumungad sakin ang malapad na ngiti ni tiel.
"yan po yung natira kagabi, hindi na po kita natawag para kumain ng dinner kagabi kasi akala ko tulog ka na" sabi niya
Ngumiti ako sa kanya ng pilit at nagsimula na akong kumain. Naramdaman ko namang tumabi siya sakin at pinapanood akong kumain kaya napahinto ako. Hindi naman sa nacoconscious ako kundi alam kong may sasabihin to sakin kaya nilingon ko sya.
"may sasabihin kaba?" blangkong tanong ko sa kanya
"ah eh, pinapatanong po kasi ni ma'am kung nagawa niyo daw po yung favor niya" sagot niya naman
Nang sabihin niya yun hindi ko tinanggal ang pagkakatitig sa mata niya at pagkatapos nun binaling ko na ulit ang tingin ko sa kinakain ko.
"i alread— Ah! Nabigay ko na" sabi ko nalang
"ahhh ok po, cge kain na po kayo diyan. At ingat po kayo" sabi niya at umalis na
Napaisip naman ako. Pumunta pala kagabi si rena sa tapat ng kwarto ko, at kung pano ko yun nalaman. Sa pamamagitan lang ng pagtitig ko kanina sa mata ni tiel. Pakiramdam ko kasi may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi sakin. Siguro naninibago pa yun sa pinapakita kong ugali.
Mahirap naman kasing magbago agad agad. Hindi rin naman yun ganun kabilis. Aish, nasabi ko na rin pala sa kanya yung tungkol sa mama niya.
BINABASA MO ANG
Hpeak Online / Hollow_Peak_Online
Viễn tưởngisang tanyag na pinakabatang professor.... at isang tinaguriang pinakabatang business tycoon. isang child prodigy at isang genius... pareho silang maagang namulat sa realidad at nakulong sa kanilang sariling mundo.... parehong pretender na hindi na...