########################################################################################################################################################
A/N: part 2 guyz! :p
ENJOY READING POH! :D
############################################################################################################################################################
...Now Loading...
...23%...
#######################################################################################################################################################
+*Amusement Park*+
Lunch na ngayon at marami kang makikitang taong kumakain kung saan saan. Meroong isang lalakeng nakasweater at nerdy glasses na may messy hair ang kumakain sa isang bench at pinagmamasdan lang sa kabilang bench ang isang grupo na kumakain rin.
Kumakain ito ng burger habang pinagmamasdan si jeane sa grupong iyon. Kinapa nito ang kanyang inumin sa tabi at ininuman ito. Bigla na lamang syang kinabahan ng biglang tumayo si jeane at tumingin sa kanya. Agad niyang iniwas ang tingin.
Nang balingan niya ulit si jeane ay naglalakad na ito papunta sa isang comfort room na malapit sa pwesto nila. Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa makapasok. Napahinga sya ng malalim at muntik na syang mapatili sa gulat nang biglang magvibrate ang phone niya sa bulsa.
Agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag. Tumayo sya at naglakad palayo sa maraming tao.
"what?!" iritang tanong niya dito
"-calm down. I just wanna know if you're doing your job there-"
Huminga muna ng malalim ang binata bago ito sagutin.
"kanina ko pa binabantayan si jeane and kanina muntik na akong maligaw sa maze town na pinasok nila"
"-ohhh, ok. Just do your job and wag mong hahayaang masama sya sa gagawin mo-"
"fine, fine. Cge baba ko na"
At in-end niya na yung tawag. Nilagay niya na yung phone sa bulsa at napabuntong hininga pa ito bago bumalik sa pwesto niya kanina. Muntik na syang mapatalon sa gulat ng bumungad sa harap niya si jeane. Blangkong nakatingin lang ito sa kanya.
"sumama ka pala" sabi ni jeane kaya napatayo ng tuwid ang binata
BINABASA MO ANG
Hpeak Online / Hollow_Peak_Online
Fantasíaisang tanyag na pinakabatang professor.... at isang tinaguriang pinakabatang business tycoon. isang child prodigy at isang genius... pareho silang maagang namulat sa realidad at nakulong sa kanilang sariling mundo.... parehong pretender na hindi na...