...32%...

401 18 4
                                    

############################################################################################

A/N: This chapter is inspired by a story i read last two days. Kung saan ang bagyong egay at falcon ay nasa loob ng pilipinas at hayahay na walang pasok :3

Enjoy Reading Guys! :D

#######################################################################################

...Now Loading...

...32%...

###########################################################################

+*East Gaelic Cole Tower - Tyriannians Dungeon*+

*Time: Afternoon*

"SERIOUSLY!!!" bulyaw ni lens nang mapatalon sya paatras sa Keeper

*RAAAWWWRR!!!*

Ungol ng Keeper ng hindi niya matamaan si lens nang malalaki niyang claws.Hawak hawak ni lens sa kanang kamay ang Red Crescent Moon, samantalang sa kaliwa ay ang silver stick.Huminga ito ng malalim at ipinikit ang mata. Naramdaman naman niyang tumabi sa kanya si sieghart.

"this is all you've got?" pabulong na sabi ni lens sa kanyang sarili

Pinapakiramdaman niya kasi ang Keeper habang nakapikit, at pinagaaralan nito kung gaano kalakas sa pamamagitan ng pagalaw nito. Kasalukuyan kasing nasa ere ang Keeper at nagwawala.

"hey, are you alright?" may halong pagaalalang tanong ni sieghart kay lens

Slight na napangiti si lens. Dumilat ito at binalingan ng tingin si sieghart.

"i'm fine"

Naglakad paharap si lens at muling tumingin kay sieghart.

"just do what i've told you earlier" sambit niya at agad na tumakbo ng mabilis patungo sa pwesto ng Keeper

Tumango lang si sieghart at nilabas ang kanyang latigo. Tinitigan niya muna ito sabay baling sa keeper. Napangisi ito at binaling ulit ang tingin sa latigo.

"mukhang magagamit na kita ngayon... Embleorigh..." ani niya sa sarili saka may parang inikot sa hawakan nito

Tumatakbo ngayon si lens papunta sa Keeper na lumilipad sa ere. Matalim niya itong tinitigan habang ini-stance niya ang sarili. Napansin naman siya ng Keeper at napatigil ito sa pagwawala sa ere. Agad itong lumipad nang napagkabilis patungo sa dalaga. Nakaawang ang bunganga nito na nabubuo na ang asul na apoy.

Binuga ito ng Keeper patungo kay lens. Hindi huminto sa pagtakbo ang dalaga. Tumalon ito pataas upang mailagan ang asul na apoy at nagacrobat pa ito sa ere. Naglanding ito na nakalapat ang isang tuhod sa lupa.

*RAAAWWWRR!!!*

Malakas at nakabibinging ungol ng Keeper. Huminto ito sa paglipad at lumanding sa harap ni lens. Muli itong umungol kaya napatakip na sa tainga ang dalaga. Itinaas ng Keeper ang kanyang buntot na mala tinik ng rosas at inatake niya ang dalaga gamit nito.

Tumayo agad si lens at dali daling nagpadausdos sa lupa sa ilalim ng Keeper. Nang malagpasan niya na ito, itinuhog niya sa lupa ang silver stick para mapahinto sya sa pagdausdos. Agad syang tumayo. Nag stance sya agad na ang kanang kamay ay nakaangat at nakababa naman ang kaliwa.

Bahagya syang nagbend at matalim na tumingin sa Keeper na nakatalikod na sa kanya ngayon. Umungol lang ng umungol ang Keeper habang hinahanap ang dalaga. Si sieghart naman ay nagmadaling tumakbo papunta sa kinaroroonan ng Keeper.

Hpeak Online / Hollow_Peak_OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon