Uno [January]

2.2K 62 46
                                    

UNO

January

"Gugupitin mo ang buhok ko o tatapusin ko ang buhay mo?!"

May mga darating talagang pagkakataon sa mundo ng tao na ang buhok nila ang magsasalita para sa kanila. Madalas na sinasabi sa 'kin ni mama noon na kung gusto kong makilala ang isang tao, maaaring makita ko 'yon sa kanilang buhok.

Natawa nga ako kasi 'di ba dapat ay sa mata? Pero ang tugon naman niya do'n ay kayang-kayang takpan ng buhok ang mga mata ng isang tago. Kayang-kaya nitong itago ang mga kwento ro'n. Pero 'di alam ng iba, nasa harapan na nila mismo ang kwento.

Muntikan ko na itanong kung paano naman ang mga kalbo kaso tinikom ko na lang ang bibig ko.

So, anong kwento ng isang babaeng may buhok na abot sa tuhod na may hawak na kawali sa kanang kamay at gunting sa kaliwa?

'Yon ang una kong naisip nang makita ko ang babae kanina. Mga ilang minuto pa lang naman ang nakalipas nang makita ko siya. Kung makakausap ko lang ang sarili ko kanina, sasabihin ko sa kanya na 'wag nang tingnan ang babaeng 'to.

Pero, sino ba naman ang 'di mapapatingin sa babaeng sobrang haba ng buhok? Hindi lang 'yon, naka-gown siyang kulay pink at may ribbon itong na sobrang nakakaagaw ng pansin.

12 PM na no'n at saktong kaaalis nina Mama, Ate Van at Ate Iza. Lunch time na nila kaso 'di na ako sumama kasi kumain na ako sa school. So, pinagawa nila ay pinagbilang ako ng pera. Masyado akong pinagbantaan ni Mama kanina kaya kahit piso lang, 'di ako makakakuha.

"Hello?" Rinig kong sambit ng babaeng nasa labas na parang si Rapunzel.

Dapat nagtago ako. Bwisit. 'Yon ang isa sa mga pagkakamali ko. 'Di naman 'yon ang unang beses kong nakakita ng gano'ng kahabang buhok. Kaso nakatulala lang ako sa kanya kaya nakita niya ako.

"Hello?" ulit niya. Her voice sounded high-pitched but still, it made my heart beat faster. It was a voice that suited her fairy-like face.

Napansin kong pinagtitinginan na siya ng mga tao sa labas. Nakatayo ba naman ang isang prinsesa sa labas ng hair salon. Kahit sino panigurado ay magtataka.

Napagdesisyunan kong 'wag siyang papasukin. Wala naman akong maitutulong sa kanya. Kung anuman ang hiling ng babaeng 'to, 'di ko naman matutugunan. Anak lang ako ng may-ari ng salon. Pero, never pa ako gumupit ng buhok. Kaya nagpatuloy ako sa pagbibilang.

Kaso, biglang umulan. Ayaw pa rin nitong umalis. Wala akong magagawa kundi pagbuksan siya ng pinto.

"Sabi ko na, may tao eh. Salamat ha," sabi niya at pumasok na. Tumingin siya sa akin tapos huminga nang malalim bago magsalita ulit, "Papagupit sana ako."

I shook my head, realizing I made a big mistake. "U-um... Hindi ko kaya."

"Ha?"

"'Di ako marunong."

"Gumupit?"

Ngumiti ako nang peke at nag-alangan. "Marunong ako sa papel...?"

Nanlaki ang mga mata niya tapos lumingon sa paligid. Nagtataka siya ba't parang walang ibang tao.

"Teka..." Tumingin siya sa upuan na puno ng pera tapos sa mga kamay ko. "Magnanakaw ka ba?!"

"Ha?! Hindi ah!" Tapos tinago ko sa likuran ko ang mga pera.

"Ba't ang daming pera?!" Lakas ng boses niya.

"Ba't kailangan mong malaman?!"

Nagulat kami pareho nang biglang lumakas ang ulan. Tapos nagulat ako nang bigla siyang lumabas. Para na yata akong ewan kasi dapat naglock na ako ulit ng pinto. Kaso hinintay ko pa.

Almost Always (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon