March
TRES
May humampas bigla sa isang kahoy sa may malapit ko. Ano ba 'yan... Ang ingay. Napagalaw tuloy ako sa higa ko para maiwasan ang ingay.
"Hoy, hoy! Ano? Balak mo pa akong unahan sa pagnanakaw ko sa lalaking 'to? Graveh siya! Ako unang nakakita sa kanya! Humanap po kayo ng ibang nanakawan, pwede ba!?"
Nagising ako sa tuloy-tuloy na sigaw ng isang babae. Nakaw? Anong pagnanakaw?
Nang idilat ko ang mata ko, nagulat ako nang makita ang mukha ni Cinderella—wait, mukhang 'di na siya si Cinderella ngayon. Argh, teka. Ba't ba sinasabayan ng utak ko ang pagpalit niya ng anyo?
"Oh, ano, sige! Alis! Ano, oh, sumbong ka? Anong tingin-tingin niyo d'yan?!" sigaw pa nito. Tiningnan ko ang lalaking sinisigawan na mukhang hiyang-hiya sa pagsigaw ng babae.
Kahit sino naman siguro ay mahihiya... Kahit man ang mga magnanakaw. Sigawan ka ba naman ng nakaprinsesang costume na dalaga.
Umupo na ako sa bench seat na hinihigaan ko kanina. Napansin kong nandito ako sa may malapit sa salon namin. Mukhang nakatulog ako nang humiga ako kanina para makapagpahinga saglit.
Lumingon na sa akin ang bagong prinsesa at nakapamaywang ito. "Aba! Gising ka na rin sa wakas, Sleeping Beauty. Kung wala ako dito, nanakawan ka na!"
Kinusot ko ang mga mata ko tapos hinayaan muna siyang magsabi-sabi. Mukhang 'di pa kasi siya tapos eh. Umupo ito sa tabi ko sabay iling.
"Muntikan ka na kuhanan nung lalaki kanina, 'lam mo 'yon? Syempre, hindi! Busy ka kasi sa pagtulog!" sabay hampas sa akin.
Aray.
"Narinig ko rin na naunahan mo lang siya kaya umalis. Wala naman kayong makukuha sa 'kin."
Totoo naman, wala akong dala ngayon. Bukod sa gusto ko lang talaga magpahinga, nawala na rin sa isipan ko kanina.
"Wala ka bang kinakatakutan?" tanong niya.
Napatingin ako sa mga paa ko. "Meron. 'Yung mga taong 'di ko maintindihan."
"Wow... Deep," tanging komento niya. Tapos hindi ako umimik pagkatapos no'n. Tatayo na sana ako para umalis nang hawakan niya braso ko.
"Limang tanong."
Tiningnan ko siya. Ang tingin niya rin ay nasa akin tapos may ngiti sa mga labi niya. Para bang nag-eenjoy pa siya sa kung anumang nangyayari ngayon.
I sighed. "You don't owe me anything."
"Minsan na nga lang tayo magkita, oh. Sige lang, tanong ka lang," sambit niya na tila ba 'di niya narinig 'yung sinabi ko.
Umupo ako ulit tapos napakamot ako sa batok. Ngayong pwede na ako magtanong, walang pumapasok sa isipan ko. Naubos ata sa kakatakbo niya palayo sa 'kin. Narealize ko kasi after ng ball noong nakaraang buwan, wala naman ako karapatang magalit. I mean, wala naman siyang pinangakong 'di ako iiwan mag-isa do'n sa lugar na 'di ko naman balak puntahan talaga. Wala eh, gano'n lang siguro talaga.
"O kaya lakad na muna tayo habang nag-iisip ka," aya niya sa akin. Nauna siyang tumayo.
Pinag-isipan ko kung susundan ko ba siya. Mawawala na naman ba siya ulit bigla? If oo, wala naman mawawala.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa umabot kami sa isang parang park. Napagtanto ko do'n na ibang prinsesa yata ang katauhan niya ngayon.
Kulot ang blonde niyang buhok ngayon. Mahaba pa rin pero 'di na hanggang tuhod, hanggang baywang na lang. May bangs na rin siya tapos nakapink na mahabang gown. Natawa ako nang kaunti nang mapansing may cape rin siya.
BINABASA MO ANG
Almost Always (on hold)
Novela Juvenil"Every hair has a story to tell." That's what I've believed. Until, I met a girl whose hair changes every time I see her. So, what's her story... or should I say, stories?