Diez [October]

383 18 11
                                    

October

DIEZ

May kulang.

Napabuga ako ng hangin mula sa bibig ko dahil hindi ako mapakali. Para na yata akong sumasayaw pagkalabas ko sa sasakyan kanina dahil galaw ako nang galaw.

Ika-5 ng Oktubre ngayon at naglalakad ako papunta ro'n sa school na nakasanayan ko nang puntahan. Halos nandito ako kasi 'pag may free time ako noon para tulungan si Lady.

Hindi naman siya umaangal at 'di na rin niya pinansin na halos buong buwan ng Setyembre, lagi kaming magkausap. Pinayagan na rin ako ni Mama simula no'n na i-drive ang sasakyan niya.

My heart felt full last month. Parang wala ng kulang. I felt contented with my life.

"May mali yata. May naiwan ba ako?" tanong ko sa katabi kong si Bituin.

Sinamahan nila ako ni Elixer dito kasi mukha raw masaya. Gusto rin daw nila makita ulit si Lady. Wala na akong choice kung 'di pumayag.

Sinubukang ayusin ni Bituin ang kwelyo ng polo ko kahit naglalakad kami.

"Ha? May naiwan ka, Kuya?" tanong niya nang naayos na niya. "Ayos na ayos ka ngayon ah. Naka-brown ka pang pants."

Tumango ako at 'di pinansin ang komento niya. May nakalimutan kasi yata talaga ako. "Hindi ko lang maalala kung ano..."

"Ano bang 'di mo nadala?" singit ni Elixer.

Sinimangutan ko naman ito kahit posibleng 'di niya nakita. "'Di ko nga maalala."

Natawa naman siya ro'n tapos inilabas ang cellphone niya. Itinaas niya 'yon. "Baka phone mo, Kuys?"

Kinapa ko ang bulsa ko. Nando'n naman.

"Hindi eh..."

Bituin clapped once like she got it. "Pera noh?"

Napaisip ako saglit. "Um, hindi rin."

"Ba't 'di mo alam?" inis na tanong ni Elixer na ikinabigla ko.

"Hindi ko nga maalala..." ulit ko kahit sinabi ko na kanina nang maraming beses.

"Argh! Para kang si ate Robyn! Nahawa ka na kasi lagi mong kasama," reklamo pa nito tapos nauna na siyang maglakad sa amin.

"Hayaan mo na, Kuya. Nagbibinata. Nagdaan ka rin naman diyan," asar ni Bituin. Tiningnan ko siya nang matalim pero inirapan lang niya ako. "Baka naman... Gift?"

Napatigil ako dahil do'n kasi naalala ko na bigla. Damn.

"Ah! Oo nga pala—"

"Kamukha ba siya nito?" Tinaas niya ang isang kulay pink na maliit na kahon. Inabot niya 'to sa akin habang may ngisi sa labi niya. "Nando'n sa upuan kanina. Akala ko 'di mo na maaalala eh. Sayang, ganda pa naman," she shared and started going inside the door. Lumingon pa siya sa 'kin saglit. "'Pag binasted ka, akin na lang!"

"At talagang—!" Sinaraduhan na niya ako nung pinto. Muntikan ko pa yatang matapon sa kanya 'yung maliit na kahon kung 'di ko lang naalala kung anong nasa loob.

Tumigil ako saglit nang mawala na sa paligid si Bituin para tingnan ang nasa loob ng kahon.

Isang rose gold na kwintas na may korona bilang pendant. Simple lang siya pero nang nakita ko siya sa mall nung isang araw, binili ko kaagad kasi naalala ko si Lady. Panigurado magugustuhan niya 'to. Hindi ko rin alam anong sasabihin kong rason kapag binigay ko.

Siguro, sabihin ko na lang pa-advance or belated happy birthday.

Kailan nga ba birthday ng babaeng 'yon?

Almost Always (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon