UNO
Capricorn (Dec 22 - Jan 19)"Tanginang buhay 'to! Sabi na nga ba, eh. Malas ang mga Pisces ngayon. Dapat hindi na ako lumabas!"
May mga tao talagang naniniwala sa mga signs, haka-haka, o kaya mga hula. Siguro para may panulak sa landas na gusto nila. 'Yung naging importante sa 'king tao, panigurado hindi siya naniniwala do'n. Masyadong maikli 'yung buhay niya para ipaubaya ang buhay niya sa paligid.
Malas nga, eh. Napaniwala ako ni Lady. Naniwala ako kahit saglit na kakayanin niya. Kasi pinili niya. Pinili niya nang gumaling at mabuhay. Itinabi na niya 'yung pangarap niya at mga paniniwala niya para lumaban. Nakalbo na nga, eh. Isang beses lang naman daw, babalik pa rin ang dapat na bumalik.
So, bakit may tao pa ring kinakayang isisi sa walang kuwentang hula o gawa-gawa lang ang nangyayari sa buhay nila?
'Yan lang ang iniisip ko habang nakatitig ako sa babaeng naka-gown na nagwawala. Baka isa sa mga contestants sa pageant kanina? I don't know. Hindi ko na natapos 'yun. 'Di rin naman si Lady ang nakapagpasa ng korona sa nanalo.
Pinagtitinginan na 'yung babae ng mga tao. Paano ba naman, eh pagkatapos ng coronation kanina ng bagong panalo, tumakbo siya paalis. Mukha tuloy siyang runaway bride or something na disney princess na lumayas sa isang masakit na scene.
Disney princess, I sighed at that thought.
Gabi na kaya 'yung kumikislap lang na sequins ng damit niya ang talagang agaw-pansin. Malapit ako sa kanya kasi nakaupo ako malapit sa tubig. Wala pa namang taong lumalapit sa kanya. Hinahanap ng mga mata ko ang mga kaibigan o kahit pamilya niya, pero wala.
"Miss, kailangan mo bang kasama?" Napalingon ako nang may narinig akong boses ng lalaki.
"Tangina mo rin! Tangina ka! Lumayo ka sa 'kin. Baka Gemini ka!" ang tanging reply ng babae.
Okay. Halatang 'di niya kailangan ng kasama.
'Di naman niya siguro ako mamumura. Nauna ako sa pwesto ko dito sa may buhangin kaya 'di ko naman siguro kinukuha pwesto niya. Mga sampung hakbang pa yata ang layo.
Iinom na sana ulit ako sa bote nang napansin kong ubos na. Tumayo na ako para kumuha ng bago nang narinig ko siyang sumigaw.
"'Wag mo akong hawakan!" Galit ang boses niya do'n sa lalaki. So, 'di niya kakilala. Galit na galit eh.
Hindi ko alam bakit pero halatang may pait do'n. May pinagdaraanan. 'Di bagay sa ayos niya. Ah... Wait. Makikielam ba ako?
"Nadapa ka kanina, 'di ba? Baka kailangan mo ng alalay," sambit ng lalaki.
Mukhang concerned naman talaga 'yung lalaki sa babae. Sige, bahala sila. I shrugged and started walking away.
"Nadapa ako... Lagi naman! Eh, bakit ako nandito?! Kasi wala akong magagawa, second choice ako eh! Pati sa relasyon, wala, pangalawa pa rin! Aray!"
"Hala!" May sumigaw na mga tao sa paligid kaya natuon ulit pansin ko do'n sa nag-eeskandalo.
Nakita kong rumorolyo na sa buhangin 'yung babae. She snapped. Feel ko nabaliw na siya. Nagwawala na talaga siya nang sobra-sobra. Mga sampung ikot sa katawan siguro niya bago siya naging lumpiang buhangin.
Matatawa na sana ako nang bigla siyang umiyak nang malakas. She sounded like a kid whose lollipop was stolen.
What the fuck.
"Ang sakit, hoy! Ang sakit ng mga mata ko! Nagliliyab... Pumasok buhangin!"
Kaya pala.
May sumigaw ng, "Doctor! Kailangan niya ng doctor!"
BINABASA MO ANG
Almost Always (on hold)
Roman pour Adolescents"Every hair has a story to tell." That's what I've believed. Until, I met a girl whose hair changes every time I see her. So, what's her story... or should I say, stories?