April
CUATRO
"Liangco, Esmeralda B., With Highest Honors."
'Yon na ang cue namin para tumayo na at pumila sa linya. Inayos ko ang toga ko at huminga nang malalim. Nang dadaan kami sa may likuran, hinanap ng mga mata ko sina Papa at Mama.
Nakuha ng pulang buhok ang atensyon ko kaya tiningnan ko sinong may-ari. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lady. May ngiti sa labi niya habang kumakaway sa akin. Nag-thumbs up pa siya sa akin.
Anong ginagawa niya rito?
Tinawag na ng adviser ko ang mga nauna sa akin. Napansin ko ring nasa tabi ko na ang mga magulang ko.
"Congrats, Kenjie," sambit ni Papa nung isa na lang ang nasa unahan namin.
Inayos ni Mama ang cap ko tapos ngumiti. "We're proud of you, 'nak."
"Salamat po," balik ko sa kanila tapos hinintay matawag ang pangalan ko.
"Silvestre, Ace Kenjie A., First Honorable Mention." Nang sabihin na 'to, naglakad na kami papunta sa stage. Inalalayan ko si Mama para makaakyat sa hagdanan. Tumayo kami do'n habang sinasabi ang awards ko. Pagkatapos ay kinuha na nina Papa ang mga medal at certificate.
Bago kami bumaba ay nagpapicture kami sa may dulo. Isinabit nila sa akin ang mga medal bago tumayo at ngumiti sa camera. Pagkatapos no'n ay tanging hinintay ko na lang ay matapos na lahat ng sections. No'ng umabot na kami sa pagkanta ng graduation song ay napansin kong may mga naiiyak na.
"Kenjie, congrats pre," sambit ng katabi kong kaklase.
"Congrats din."
Nang nakaupo na kami lahat ay narinig ko na ang closing remarks kaya napangiti na ako. Yes, makakakain na, sa wakas!
Pagkatapos ng graduation ay nagpapicture pa at lahat-lahat. Binalik pa ang toga sa adviser namin. Kinuha ko na rin 'yung card ko. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at iba kong kaklase. Kinongrats ko rin ang mga nadaraanan kong kakilala hanggang sa labas.
Hindi ko na nga alam paano ako umabot dito sa sasakyan ni Mama kung sa'n papunta kami sa isang beach. Do'n daw yata ang party na hinanda ni Lola sa Subic.
"Ma, 'di ako sure pero nakita mo po ba kanina 'yung may pulang buhok kanina?" tanong ko.
"Ah, oo, si Lady! 'Yung suki ko. Umalis na raw siya pagkatapos mong umakyat sa stage," sagot niya.
"Suki? Sa 'yo po ba siya nagpapakulay?"
"Oo at nagpapagupit. May budget daw siyang nakalaan do'n every month, eh."
Tumango ako tapos tumingin sa may bintana. Pinanood kong daanan naming ang mga puno at lagpasan ang mga ibang sasakyan. Tumigil na kami sa may beach na pinupuntahan namin every summer. Nandito, alam ko, 'yung lima kong pinsan.
Natanaw ko na ang beach house na tutuluyan namin. Kahit ilang beses ko na 'tong nakikita, nagagandahan pa rin ako. White ang kulay nito sa labas. May dalawa 'tong palapag kung sa'n 'yung taas ay mataas ang ceiling. Simple lang 'yung design pero kapag tumatama ang reflection ng araw sa mga salamin, napakaganda.
Bumaba na kami sa sasakyan para pumasok. Naunang maglakad sina Mama papunta do'n habang sinusundan ko lang sila. Napatigil ako nang mapansin kong may mga nagtatayo ng stage sa may gitna ng buhangin.
"Anong meron?" bulong ko sa sarili. Napansin kong may mga organizers na nag-iikot na para bang may inaayos sila.
Tumakbo ako nang mapansin kong malayo na sila. Papasok na sana ako pero napatigil ako nang may nakita akong tarpaulin. Nando'n ang picture ni Lady na nakangiti habang nasa may buhangin at nakangiti. Red na ang buhok niya rito pero wala na 'yung bangs niya dati. Naka-beachy waves siya katulad nung ginawa ni Mama dati sa customer niya.
BINABASA MO ANG
Almost Always (on hold)
Teen Fiction"Every hair has a story to tell." That's what I've believed. Until, I met a girl whose hair changes every time I see her. So, what's her story... or should I say, stories?