Ocho [August]

377 21 17
                                    

August

OCHO

Nakatitig ako sa una at huling text ni Lady sa akin. Kung titingnan, parang quote lang naman siya. Katulad lang ng mga nababasa ko sa internet. Ang pagkakaiba lang siguro ay 'yung impact sa 'kin.

Oo nga naman, 'di lahat ng paglubog ng araw ay dapat pagpapaalam.

"Tinranslate ko lang," bulong ko sa sarili na parang baliw.

Kaso ano pa bang pwedeng ibang dahilan kung 'di 'yon good bye? Halos nasa kalahati na ako ng buwan ng Agusto pero wala pa rin siya...

Baka nga 'yun na ang huli. Nagpaalam na rin naman siya. Wala na rin naman akong magagawa. Hindi naman ako mayaman para liparin siya patungo sa ibang bansa. Hindi ko nga sigurado kung anong bansa siya pumunta.

I sighed and started typing random words.

Nasan ka na?

Agad ko naman binura lahat 'yon. Huminga ako nang malalim bago nagtype ulit.

Pwede bang magkagusto sa taong minsan mo lang makita?

Hindi ko 'to binura tapos binasa ko lang nang paulit-ulit sa utak ko.

"Kuya! Kuya Kenjie!" Nawala ako sa malalim kong pag-iisip nang marinig ang sigaw ni Robyn. Tinago ko kaagad ang phone ko sa kamay ko para takpan ang screen.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Oh?"

"Alis ako mamaya," paalam niya.

"Kailan ka ba 'di umaalis?" tanong ko.

Simula kasi nang lumipat ako ng university, isinama nila si Robyn sa akin. Well, hindi naman dapat talaga ako papayag. Pero nagpumilit si Robyn na susundin niya raw ako lagi. Mukhang naconvince naman niya ang pamilya niya dahil nasa iisang university na kami ngayon.

'Di na rin ako nag-inarte kasi ang ganda ng apartment na nirentahan nila para sa kanya. May tatlong kwarto tapos may sala at kitchen pa.

Hindi ako masyadong nahihirapan sa pagtira ko rito lalo na may kasama akong pinsan. Nakakausap ko naman kasi siya madalas 'pag hindi niya naaalalang nasa rebellion stage siya.

Mas malaki ang hati niya sa bayad kaya hinayaan ko na. Problema lang ay masyado ko rin yata siyang hinahayaang umalis simula nung pasukan.

"At least, umuuwi 'di ba?" she reasoned.

Tiningnan ko siya nang matalim.

"Ano pala tinatago mo d'yan? Bastos ba? Yuck naman, Kuya!" reklamo niya tapos nagmake face pa na parang nasusuka.

"Baliw! Hindi!" sigaw ko tapos inangat na ang phone para ipakita sa kanya ang screen.

Lumapit naman siya para hawakan ang phone ko at tingnan ito nang maayos. Naninigurado siguro.

Tumango-tango siya. "Ah, text lang pala... Oh, ba't mo pa tinatago? Nahihiya kang 'di ka nireplyan?"

Hindi ako nireplyan? Nino? Wait. May iba ba siyang nakikita?

Ba't ako dapat rereplyan?

Shit.

Binawi ko ang phone para tingnan kung tama ang hinala ko. Nanghina ako nang makitang nasend ang text ko kanina.

Nasend... ba... talaga...? Ba't nasend? Bakit? Bakit?! Nalintikan na talaga.

"W-Wait... Nasa ibang bansa siya. 'Di ba dapat hindi nasend?" desperado kong tanong kay Robyn.

Almost Always (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon