Siete [July]

422 19 20
                                    

July

SIETE

"Hoy! Ba't may cellphone dito sa bigas natin? Nagnakaw ka ba tapos dito mo tinago?!" sigaw ni Mama mula sa kusina.

Ano bang sinasabi niya? Eh. Baka 'di naman ako ang kausap...

Tiningnan ko ang asong pinabantay sa amin, shih tzu yata ito. Ang pangalan daw niya ay Matcha. Kulay puti siya tapos kulot-kulot ang hair niya. May ipit siya sa gitna na para bang inipitan ang bangs niya. Panigurado si Mama ang nag-ayos.

Nakatitig lang ito sa vacuum na hawak ko. Sinubukan kong i-on ang vacuum kaya nag-ingay ito na sinabayan naman ni Matcha ng tahol.

Natawa ako kasi nang pinatay ko ang vacuum, tumahimik din siya kaagad.

"Kenjie! Narinig mo ba 'ko?!" Si Mama ay biglang nasa harapan ko na habang nakapameywang. Tinaas niya ang kamay niyang isa para pakita sa akin ang isang phone.

Nanlaki ang mga mata ko nang magets ko na ang phone na sinasabi niya. 'Yung kay Lady pala na nabasa dati. Naiwan niya! Mga isang linggo pa lang naman ang lumipas pero kung tutuusin, ibang month na ngayon. 'Di man lang ba niya hinanap?

"Ah, naiwan lang po ni Lady," simpleng tukoy ko tapos kinuha ito mula kay Mama. Binaba ko ang brush ng vacuum.

Sinubukan ko i-on ang phone ni Lady. Nagtagumpay naman ako dahil bigla itong umilaw.

"Nabasa ba kaya niyo nilagay sa bigas? Gumana ba? Gumana ba?" pangungulit ni Mama.

I nodded at her.

She gasped. "'Yung TV natin dati na nabaha dati, try ko ilagay sa bigas at baka gumana!"

Natawa naman ako nang mahina. "Ma..." I warned.

"Joke lang! Sus! Osige, maglinis ka na diyan. Masyadong seryoso!"

Bumalik na siya sa kusina. Umupo naman ako sa sofa at sinundan ako ni Matcha. Umupo rin siya sa may paanan ko. Nginitian ko 'to at kukunin ko sana ang aso nang biglang nagvibrate ang phone.

Napatingin ako dito. May tumatawag. Ang nakalagay lang ay Lola. Siguro dapat kong sagutin, 'di ba?

Huminga ako nang malalim bago sinagot. "Hello po?" bungad ko.

"Hi... 'Di ikaw si Belle..." Umubo siya bago tumuloy, "Alam mo ba kung nasa'n siya?"

Belle?

"Si Lady po ba ang tukoy niyo?" tanong ko para manigurado.

"Oo, iho. Sino ka? Anong relasyon mo sa kanya? Ba't ikaw ang sumagot?"

"Ako po si Kenjie, um... Kenjie Silvestre po. Kaibigan po ako ni Lady. Naiwan po kasi niya sa amin ang phone niya. Ibabalik ko po sana kaso 'di ko po alam kung sa'n siya ngayon." At isa pa, bawat buwan lang kami nagkikita. Unexpected pa madalas. Para bang 'pag nagkita kami, may kakaibang magaganap dapat.

Siguro abot ko na lang kay Mama. Baka sakaling magpaayos siya ng buhok niya ulit.

"Ay, gano'n ba... Salvador! Kenjie ba 'yung kinukwento ni Belle sa 'tin?" Nakinig lang ako kasi mukhang may iba siyang kausap.

May narinig akong um-"Oo!" sa kanya na lalaki. Baka 'yung sinasabi niyang Salvador. Nagsalita ulit ang Lola ni Lady, "Nako, iho. Babalikan naman niya 'yan... Malayo kasi kami sa kanya ngayon. Nasa ibang bansa kami."

Kilala ba nila ako? Huh. Kinukwento ako ni Lady sa kanila?

"Ah, opo. Opo. Sabihin ko na lang po sa kanya na tumawag kayo."

Almost Always (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon