Doce [December I&II]

422 19 35
                                    

December I

DOCE

"I almost died that day," Lady muttered as she stared at her reflection in the water.

Dahan-dahan niya ring inalis ang mouth mask niya at hinayaang nakasabit sa kaliwa niyang tenga. 

Mga dalawang kahoy lang ang pagitan sa amin at nagkakarinigan pa rin kami kahit maingay ang mga alon. Nandito rin kasi kami ngayon sa may parte ng beach kung sa'n konti lang ang mga tao.

Nasa may gitna na kami ng dagat nang sinabi niya 'yon. Hindi naman gano'n kalayo kasi natatanaw ko pa rin 'yung beach house. Magkaharapan kami ni Lady sa bangka at kami lang dalawa. Pagkakita niya sa akin kanina, hinila niya ako papunta rito at pinasakay ako.

"Kailan?" ang tangi ko lang naitanong.

Ngayon ko lang kasi narinig ang tungkol do'n. At masyado yata akong sensitive 'pag pinag-uusapan ang kamatayan. Para bang naninikip ang dibdib ko 'pag naaalala kong posibleng mawala si Lady kahit kailan.

Ayoko ngang sumakay sa rowboat kasi nag-aalinlangan ako at baka may mangyaring masama tapos hindi agad maaagapan. Napilitan na lang ako dahil pumayag na rin ang Lolo't Lola niya, basta raw bilisan lang namin.

Nakakatuwa nga dahil dito nga pala nanalo si Lady dati bilang Aqua Princess. Siya pa rin ang reigning princess ngayon kaya kilala siya halos ng mga ibang tao. Eh, pa'nong hindi? Ang laki nung tarpaulin kung sa'n nakalagay ang mukha niya.

"Nung nawala sina Papa at Mama," sagot niya tapos umupo na siya nang maayos.

"Naaalala mo na..." nag-aaalinlangan kong sambit.

Sabi kasi ng Lola niya, wala siyang maalala. Walang may alam kung dahil ba sa trauma o kaya pinilit niya ang sarili niyang makalimot.

"'Di ko naman nakalimutan. Kahit 'di nila ako kasama no'n, naramdaman ko pa rin 'yung pagkalunod."

My eyes widened in shock. Napahawak ako nang mahigpit sa paddle at hindi na muna ito inilabas sa may tubig.

Nakalutang lang kami sa isang parte ng dagat. Ako rin kasi 'yung ginawang taga-sagwan habang si Lady ay tingin-tingin lang sa paligid. May sasama sana sa amin kaso ayaw ni Lady.

Ipinagmalaki pa nga niya na ako raw ang pinakamagaling magsagwan sa mundo. Nalintikan nga eh.

Halatang ayaw na rin siyang ma-stress ni Mama na kasama kong pumunta rito. Pinakiusapan niya tuloy 'yung mga nagbabantay. Buti na lang pala kahit matagal na rin nung huli akong sumakay, mukhang tama naman ang ginagawa ko.

"N-Nalunod sila?"

"Oo... Lumubog 'yung yate na sinakyan nila. 'Di ko makakalimutan kasi dapat kasama nila ako. Nag-away rin kami ni Mama nung araw na 'yon."

Shit. Teka, teka. Tama bang nandito kami ngayon?

Magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako, "Grasya bang 'di nila ako kasama sa huling oras nila at nakaligtas ako o parusa kasi ako lang din natirang mag-isa?"

Hindi ko alam ang sagot do'n... 'Di ko na rin alam kung ba't kami nasa gitna ng dagat habang nakasakay sa bangka ngayon.

Kailangan na naming bumalik.

"Lady, sorry," I spoke softly. "Hindi ko alam. Sorry. Balik na muna tayo—"

She immediately cut me off, "Hindi, hindi. Okay lang ako, wala naman akong trauma sa tubig. Sabi sa 'yo, 'di naman ako takot mamatay. This is not the first time. So, let's stay here."

Almost Always (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon