Gitara

37 6 1
                                    

Gitara by: ANDB798

Sa kada umagang ika'y aking nakikita,
Tumutugtog ka nang gitara habang kumakanta.
Nakatingin sa langit habang nakangiti,
Minsa'y sumusulyap sa kalye mabini.

Naroon kasi ang kanyang iniibig,
Siya'y maganda, meztiza pa.
Talo ako sa ganyang anyo,
Ngunit pilit parin umaasa itong aking puso.

Sana ako nalang ang kanyang sinusulyapan,
Para naman ngiti ko'y kanyang matamasan.
Hindi naman bungi aking mga ngipin,
Kaya sana kahit sa simpleng ngiti siya'y aking mapaibig.

Nakatingin sa hangganan,
Pinagmamasadan kanyang nakakahimlay na mata.
Nakakalimutan lahat ng aking problema,
Sa tuwing siya'y aking nakikita.

Aking parating hinihiling sa hangin,
Na sana sa akin nalang siya nakatingin,
Alam ko naman na malabo iyong mangyari,
Umaasa lang ako para sa ikatatahimik ng aking damdamin.

Pag-ibig, Hindi na ba mababago na sa gitarista'ng bagsak ko?
Hindi naman sa pagiging mapili ngunit,
Sa tuwing tinutugtog niya ang kanyang gitara,
Doon palaging nabubuo puso kong pilit nadudurog.

Gitara na aking paboritong instrumento,
Palaging tinutugtog ng tao'ng aking gusto.
Sana kahit sa huling hininga ko,
Matugtog niya ang gitara kay ganda ng tono.

062622

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon