Kalawakan

22 6 0
                                    

Kalawakan by: ANDB798

Kalawakan,
Maganda sa tuwina,
Gaya nang iyong mga mata,
Sa mga gabing walang humpay ang ligaya.

Sa mga oras na tayo ay magkasama,
Naiisip ko hinaharap nating dalawa.
Napapaisip sa mga paru-parong dumadaan,
Kung bakit ilaw ay inalis sa'ting mga nararamdaman.

Kalawakan,
Nagliliwag sa tuwing gabi'y umuusad.
Mga gabing saya nang puso'y pilit kumukupas,
Kagaya ng alitaptap na sa dilim lamang nagliliwanag.

Aking sinisinta,
Hindi ko man maibigay sayo ang buwan at bituin.
Ngunit kalawaka'y aking pagtiyatiyagaan,
Upang puso mo'y aking makamtan.

062322

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon