Telepono

37 3 1
                                    

Inspired by my story titled 'Calling You Through That Orange Telephone'. Medyo spoiler hehe.
____

Telepono by: ANDB798

Namimiss natin ang isa't isa,
Kung kaya't telepono'y ating kinuha.
Maluma't matagal na,
Pero kaya nitong masagap pag-ibig nating dal'wa.

Kumuha ng numero sa lumang phonebook,
Swerte kasi sa'yo'ng aking nakita.
Kahanga hanga mga pareha,
Kaya't dinial para mahalin ka.

Nalaman na magkaiba ating mundo,
Aking naisip na isa lamang itong kuro-kuro.
Nakakabigla kasi ako'y nahulog sayo,
Ngunit walang pagsisisi nung nalaman kong pag-ibig mo'y totoo.

Sa lumang telepono ni Lola,
Nahanap ko ang pag-ibig na kakaiba.
Minsa'y nasasaktan sapagkat malayo ka,
Pero aking naisip na para rin 'to sa iba.

Isa kang Sundalo,
Ako nama'y isang Pintor.
Sumasagip ka ng tao,
Pumipinta naman ako ng telepono.

Walang tugma ating mga gusto,
Pero si Tadhana'y pilit tayong pinagtatagpo,
Na hanggang sa dumating sa puntong nawala ang salitang tayo,
Dahil sa huling sinabi mo na ako'y iiwan mo.

063022

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon