Tinatangi

12 3 0
                                    

(It's been a whileee~~)

Ikaw na nagiisa rito sa aking puso,
Ikaw na nagpapatibok nito.
O kay hirap malimutan ang 'sang tulad mo,
Lalo na't ikaw sumalo ng aking mundo.

Ikaw na aking tinatangi,
Isa lamang aking hinihingi,
Ito'y ikaw hindi maging sa akin,
Ngunit maging kasama ko kahit sa pag-uwi.

O kay dilim na ng gabi,
Nakikita ka kahit sa'king panaginip.
Iyang iyong mga labi,
Parang ihip na lamang ng hanging nagiisip.

Tinatangi ang siyang turing sayo,
Mahal kita, oo.
Wala namang tayo,
Basta mahalaga ka rito sa'king puso.

...
040123

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon