Yakap

35 2 2
                                    

Yakap by: ANDB798

Iyang mga bisig mong nakakahimlay,
Lagi akong nahuhulog ng walang sablay.
Sabi mo sa akin na yakap lamang,
Pero bakit pagmamahal aking nadama?

Iyang mga ngiti mo'ng nakakasabik,
Lagi na lamang akong napapaibig.
Ang mata mong parang bulaklak sa ganda,
Natamaan puso kong nagdudusa.

Sa tuwing ako'y malungkot,
Yakap mo aking nakakasama.
Masaya sapagkat nandyan ka,
Kaso aking naalala may iba kana.

Sobra man itong aking nararamdaman,
Sa bait mong iyan,
Sinong hindi mahuhulog sa katangian mo,
Na kahit sino magtataka kung Anghel ba itong kasama ko.

Humihingi ng tawad,
Sapagkat hindi ko nagawa iyong nais,
Na kapalit ng yakap mong walang mintis,
Itong puso kong buhay ay nadurog ng mabilis.

052922-080922

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon