Mundo

34 3 3
                                    

Mundo by: ANDB798

Sa mundo nating magkaiba,
Naisip mo na ba ang ating tadhana?
Sa mga hardin na nakaka-akit,
Bakit pati si Fairy Godmother hindi tayo mailapit?

Sabi sa mga fairy fantasya, bida'y may happy ending,
Ngunit bakit sa tingin ko'y katapusan nati'y tragic ending?
Sa mga isip na pilit tayong nilalapit,
Bakit mga kamay nati'y malumbay ang kapit?

Sa mundo nating di magkasundo,
Bakit pilit nitong wasakin puso nating nagdurugo?
Ang mga kulay sa kalangitang nagsisilbi nating buhay,
Bakit pilit nitong lumalabo't tumatamlay?

'Kala ko ba tadhana ang susi ng ating pagiibigan,
Bakit parang ito pa'ng nagaalis ng ating mga karapatan?
Sa mga bituing walang humpay ang pagilaw,
Doon ko nasabing tayo'y wala ng liwanag 'gaya ng isang bulalakaw.

060422

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon