Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school para ibalik iyong librong hiniram ko 2 days ago. Sarado pa ang library pagdating ko kaya tumambay muna ako sa waiting shed sa tabi nito. Maluha-luha akong naupo roon dahil sa antok. 1 am na ako nakatulog kagabi dahil hinintay ko pang i-send ni Guia 'yung part niya sa research namin na ipapasa na mamaya. Nakailang tadtad ako ng text at tawag sa kaniya dahil baka nakalimutan niyang gawin iyon sa sobrang busy sa modelling at boyfriend niya. Maiintindihan ko pa 'yung modelling dahil importante 'yun sa kaniya at support naman namin siya, pero kapag nalaman ko talagang mas priority niya pa 'yung boyfriend niyang 'yun kesa sa amin, baka masupalpal ko siya. Hindi kasi maganda ang kutob ko sa lalaking iyon. Unang tingin pa lang alam mong hindi mapagkakatiwalaan, e.
Napakajudgmental ko talaga. Pero iyon talaga 'yung nakikita ko kay Rainier, e.
Buti na lang nakagawa si Guia, nakalimutan niya lang i-send. Hindi ko na rin kinailangan pang i-edit ang gawa niya dahil maayos naman na iyon. Sana konti lang ang iparevise ni ma'am sa amin mamaya. Ako pa naman ang leader sa grupo namin.
Kahit isang pikit na lang ay makakatulog na ako, mas pinili kong tiisin iyon at uminom na lang ng kape na dala ko dahil hindi naman magandang matulog ako rito. What if may mangtrip sa akin dito? Kunin ang gamit ko? E 'di mas lalo lang akong nagkaroon ng problema. Imbes na research lang ang poproblemahin ko, dadagdagan ko pa.
Agad akong napaupo ng maayos nang mamataan ko si Alexei na naglalakad papunta rito. He's looking at his phone so chances are he haven't seen me yet. Tinalikuran ko siya at taimtim na nagdasal na sana hindi siya pumunta rito. Marami namang tambayan malapit sa library kaya doon na lang siya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malapad niyang likod sa peripheral vision ko at naglalakad siya papalapit dito sa waiting shed. Unti-unting lumalakas ang tibok ng puso ko habang pinapanood siyang umupo sa tapat ko. Bago pa man niya ako mahuling nakatingin sa kaniya ay nilipat ko na ang tingin ko sa malayo.
"Morning."
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ko iyon sa kaniya. Nagtataka ko siyang tiningnan at inisip na baka hindi ako 'yung kausap niya pero kaming dalawa lang naman ang nandito. Hindi niya na rin hawak ang cellphone niya kaya imposibleng hindi ako ang binati niya. I sat up straight before clearing my throat.
"Good morning..." bati ko pabalik.
"How long have you been here?"
Bakit parang concerned siya? Eto na ba ang simula?
"Ah..." I chuckled to hide myself from shaking. "Kanina pang 6:45. Medyo inagahan ko para hindi ako mastuck sa pila at malate sa class ko."
He nodded then smiled at what I just said. Napangiti ko siya! Oh, my! Kinikilig talaga ako. Sobrang gwapo niya!
"Me too."
I traced the lettering on the cover page of the book I am holding while contemplating whether I should bring up what happened in the restaurant 2 days ago. That was a personal matter and I shouldn't put my nose in his business but due to my curiosity, I cannot do anything anymore when my mouth suddenly blurted it out of the blue.
"How are you doing, by the way? I noticed you and your sister were in a pretty tight spot last Saturday."
Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Oh! That. We're okay now. Natasha, my youngest sister, was being forced to marry someone, though. She's only 18."
Napanganga ako. Who in their right mind would marry their daughter off at such a young age? But then I remembered that some culture still carry out that tradition so it wasn't really that surprising but rather devastating.
BINABASA MO ANG
Enigma (Dauntless Series #4)
RomanceGwyneth Heloise only wants one thing in life: that is to become successful in her chosen career. She's willing to gamble and sacrifice her own happiness to achieve it. She's prepared for what's to come because that's what she signed up for. And in t...