"Tinanggap mo talaga ang kasong iyon?" agad na tanong ni Niko pagkarating niya sa bahay. Hinarap ko siya at agad nakita ang nagkakasalubong niyang makakapal na kilay. Bumuntong hininga ako. Inayos ko ang pagkakakarga kay Theo na ngayon ay mahimbing na natutulog sa bisig ko.
"I have no control over the news I'd deliver, Niko. At para namang hindi na bago sa'yo 'to."
He closed our distance. The only thing that's stopping him from getting into an argument with me is our son. He stopped on his tracks and sighed. Umamba siyang kukunin si Theo sa akin kaya mas lalo akong lumapit sa kaniya para maibigay ang anak namin. Pinagmasdan ko siya habang bahagya siyang gumalaw para mapatulog si Theo. Our son looks so tiny in his father's huge arms. Funny how moments earlier, he's like a dragon who's about to expel its fire. And when he finally get hold of Theo, he suddenly calmed down.
"Nag-aalala ako sa'yo. Alam mo naman ang kayang gawin ng mga Almazan. At baka nakakalimutan mo, may galit pa rin sa'yo ang mga 'yon dahil sa nangyari kay Max."
I sighed. "I'd be lying if I say I'm not afraid of them. Of course I am. Hindi ito tulad ng dating nahawakan ko na kayang-kaya kong ilagay sa panganib ang sarili ko. Ngayon, may sarili na akong pamilyang mag-aalala sa mga ginagawa ko sa trabaho. Pero Niko..." Hinawakan ko ang kaniyang braso. Bumaba ang tingin niya roon. "Mag-iingat naman ako. This is a controversial issue. If he ordered someone to kill me, the blame is on Senator Almazan. And we both know that he will never do something that will stain his name."
"He might have other plans to get back at you, more so your family."
Agad akong umiling. "I won't let that happen."
Nagtagal ang tingin ni Niko sa akin. Para bang nag-aabang ng sunod kong sasabihin. At iyon ang pagbawi ko sa naging desisyon ko.
"I'll just tuck Theo to bed. Babalik din ako agad. Mag-uusap pa tayo." bilin niya pagkatapos ay lumabas na ng study. Napasalampak ako sa swivel chair at pinagmasdan ang report na nasimulan ko.
A whistleblower exposes the wrongdoings of Senator Magnus Almazan Sr., from bribery down to human rights violations. Miss Celine gave me the case because I handled Magnus Almazan Jr.'s case before. But unlike before, this case is more complex and complicated. Even those atrocities from he was still a mayor to governor down to senator, was all laid on the table.
Maraming butas. Isang pagkakamali lang ay mababaliktad ka. Malapit na ang eleksyon kaya pwede niyang palabasin na paninira lamang ang mga iyon laban sa kaniya. Lalo pa't kuhang-kuha niya ang simpatya ng karamihan. Matagal na siya sa serbisyo kaya pinagkakatiwalaan siya ng mga tao.
Not if he was held accountable for his wrongdoings.
I spent days, weeks, and even months conducting research about Senator Almazan. Kahit may whistleblower, hindi pa rin iyon sapat na ebidensya para magamit laban sa senador. At dahil masyado siyang pribado, pahirapang makakuha ng impormasyon tungkol sa kaniya. Sinubukan kong kumuha ng impormasyon sa isang media company na natatanging authorized na nagcocover ng mga balita tungkol sa kaniya pero iyong mga common news lang ang binigay.
Napahilamos ako ng aking mukha gamit ang palad sa iritasyon. Nakakainis! Ilang linggo na akong tulala sa harap ng laptop ko, walang maisulat na dagdag impormasyon! Mahabang panahon ang binigay sa aking palugit pero gusto ko sanang matapos na iyon bago ang deadline.
Idagdag pa na malapit na ang first birthday ni Theo. Mas magandang walang bumabagabag sa akin sa araw na iyon. Especially that Niko was tasked to lead a special assignment in the Air Force. Ilang linggo na siyang hindi nakakauwi dahil sa training at pinayagan lang umuwi sa birthday ni Theo pero aalis din kinabukasan.
"What are you thinking, hmm?"
I felt Niko's arms snaked on my waist while hugging me from behind. He put his chin on my shoulder, his hot breath tickling me.
BINABASA MO ANG
Enigma (Dauntless Series #4)
RomanceGwyneth Heloise only wants one thing in life: that is to become successful in her chosen career. She's willing to gamble and sacrifice her own happiness to achieve it. She's prepared for what's to come because that's what she signed up for. And in t...