Each passing day, I get more and more nervous. Unti-unti ko na ring narerealize na baka mali ang naging desisyon ko. Nababahag ang buntot ko kumpara noong mga nakaraang araw. Kahit magpapanggap lang kami, hindi pa rin matanggap ng sikmura ko na magpapakasal ako sa isang taong isang buwan ko pa lang nakikilala. At higit sa lahat, napakabata ko pa. Wala pa akong kaalam-alam sa buhay may asawa. Ni hindi ko nga naranasang magkaboyfriend tapos ngayon magpapakasal ako?
Hindi ko pinapahalata sa pamilya ko na nagsisisi ako. Alam ko naman ang mali ko pero ayokong ipamukha nila sa akin iyon. Hindi iyon matatanggap ng pride ko. I can tolerate admitting my own mistakes but them rubbing my mistakes in my face is very offensive to me.
Nang sumapit ang araw ng kasal, parang ayokong bumangon sa aking higaan. Gusto ko na lang magkulong sa kwarto at magpanggap na tulog magdamag. Imposible nga lang mangyari iyon dahil sa gitna ng mahimbing kong pagtulog ay binulabog na ako ni Candice.
"Ate! Gumising ka na! Baka pati sa mismong kasal mo, malelate ka pa rin?!"
I buried my face on my pillow when she stormed in my room. She tugged my feet and slowly dragged me out of my bed. Dahil doon ay tuluyan na akong nagising. Akma ko siyang sisipain dahil sa inis pero agad naman siyang nakailag at pinagtawanan pa ako. Sinapo ko ang noo ko sa kakulitan niya.
"Naaawa ako kay Andronikos, 'te! Gagawin mo pa atang battered husband 'yun." sabi niya habang isa-isang hinahawi ang mga kurtina sa bintana kaya agad na tumama ang sikat ng araw sa mukha kong inaantok pa. Mamayang hapon pa naman ang kasal pero panay na ang pangungulit ng kapatid ko sa akin.
"Tigilan mo ako, Candice." sabi ko bago naglakad patungo sa banyo para makaligo na.
Habang nasa shower ako ay ganoon pa rin ang iniisip ko. Hindi ko kayang humarap sa lalaking hindi ko naman mahal habang sinasabi ang mga katagang alam kong isusuka ko lang. I cherish marriages. I once told myself that I will only marry someone I deeply love and now...I agreed to a marriage of convenience. My guilt is getting the best of me. This is so out of my character. The old Gwyneth will definitely slap me for exploiting someone.
Baka naman pwede pa akong umatras?
Wala akong ganang kumain. Ni magkape ay hindi ko magawa kaya laking pagtataka ni Candice dahil hindi siya sanay doon. Sinabi ko na lang na kinakabahan ako kahit na ang totoo ay higit pa roon ang nararamdaman ko. Hindi niya na ako napilit nang umupo ako sa dresser ko para magsimula nang mag-ayos. Hindi ako masyadong magaling sa pagmemake-up pero kaya ko namang mag-ayos. I did a loose low bun first before prepping my face. I opted for a natural makeup look. Good thing Guia taught me this or else I'll spend another money if I'd hire a professional makeup artist. Nang matapos ako ay naupo muna ako sa sofa rito sa kwarto ko habang nagbbrowse sa social media. Minsan ko na lang ito magawa dahil wala nang time kaya naman sa tuwing binubuksan ko ang account ko, nagugulat na lang ako sa mga lumalabas.
BFF or lovers? Actress Brianna Antonelli was seen being intimate with Runway Model Guinevere Gabionza on their Palawan getaway.
Poor Guia. She's now the subject of people's bigoted, old-fashioned beliefs. Matagal nang maraming bashers si Brianna Antonelli pero si Guia...ni minsan hindi ito nasangkot sa alin mang issue. Hindi ko na tinapos basahin ang mga comment sa ilalim ng article na iyon dahil alam kong puro makikitid lang ang utak ng mga naroon. May ilang nagulat, kinilig, at nasiyahan sa nabasang article ngunit mas marami pa rin ang mga nadismaya at nandidiri.
Mas pinoproblema pa nila ang sekswalidad ng isang tao kaysa sa kinakaharap na krisis ng bansa. Mga Pilipino nga naman.
Tumayo na ako at napagpasyahang magbihis na. Naririnig ko na kasi ang matinis na boses ni Papa Bailey sa baba. Kapag hindi pa ako nagpakita sa kaniya, baka siya na mismo ang humila sa akin papuntang Supreme Court para lang mapabilis ang pagkilos ko. Kapag ganitong may okasyon, mas excited pa siya kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
Enigma (Dauntless Series #4)
RomanceGwyneth Heloise only wants one thing in life: that is to become successful in her chosen career. She's willing to gamble and sacrifice her own happiness to achieve it. She's prepared for what's to come because that's what she signed up for. And in t...