Chapter 18

23 2 9
                                    

"How's the progress of your report, Gwyneth?"

Narito ako ngayon sa opisina ni Miss Celine. Pinatawag niya kaagad ako pagdating niya. She still has that cold and intimidating aura but I'm used to it so I doesn't really bother me anymore.

"Good, Ma'am. I'm about to interview the family of the victims tomorrow."

Her forehead creased. "Tomorrow? Why can't you do it today?"

Bumuka ang bibig ko para sana magsalita ngunit saka ko lang din naalala ang ganap ko ngayong araw. Dadalhin ako ni Papa Bailey kay Ninong Emir para maghanap ng mga RTW wedding gown sa kaniyang boutique. As usual, nagtalo na naman kami dahil gusto niyang pagawan ako ng wedding gown habang ako naman ay willing na magsettle sa mga yari na. Magkaiba ang hilig naming dalawa kaya palagi kaming nagcclash.

"Uh...I have a gown fitting later for my...uh..." nahihirapan akong sabihin iyong totoo dahil pakiramdam ko mabubuko niya kaagad ako. Hindi niya naman kilala si Andronikos pero sa oras na malaman niya ang identity ng "mapapangasawa" ko, mabilis niya na lang mapagtatagpi-tagpi ang lahat. I don't know if that's a good idea, though.

"Okay, I get it. You don't have to strain yourself," she said in a dismissal tone. This is what I like about Miss Celine. She's professional. She doesn't meddle with my personal business. "Just make sure that you'll finish it on time. This is a controversial one, and I've put my faith in you. The higher ups are also looking forward to your report's publishing."

"Yes, Ma'am."

Even if it's a good pressure, I still can't help but be anxious about my report. Once I publish it, the public's eye will focus on me, throwing me and my loved ones life under the bus. The Almazans are one of the powerful family in the country and challenging them means suicide. But this is what I signed up for and I'm ready for whatever's gonna happen after this.

Kaya lang, sa estado ng mga mamamahayag sa bansang ito, mukhang malabo na malalagay ako sa tahimik pagkatapos nito. Ang dami kong nababalitaang mga journalist na kung hindi nawawala, natatagpuan namang patay at pinapalabas na lamang na aksidente o suicide. Masyadong malupit ang nakaraang administrasyon sa propesyong ito kaya naman pinagdadasal ko na sana ay magkaroon na ng press freedom sa ilalim ng bago at darating pang mga administrasyon. After all, we all want to achieve the same thing. That is to deliver the truth.

Nag-uumpisa pa lang ako. Pero kung sakali man na mapahamak ako habang ginagawa ang trabaho ko, wala akong panghihinayang sa naging desisyon ko. Ang mahalaga, naihatid ko ang tama at totoong balita nang walang kinikilingan.

"Oh, bakit tahimik ang ating bride-to-be?"

Saka lang ako natauhan nang narinig ko ang boses ni Ninong Emir. Sinundo ako nila Papa pagkatapos ng trabaho ko kaya dumiretso na kami sa boutique ni Ninong Emir. Nakatayo ako sa harap ng mga RTW gowns niya, halos malula sa dami ng mga iyon. Since it's only a courthouse wedding, I want to pick a simple wedding dress that's not attention grabbing. E kaso halos lahat ng mga gown ni Ninong, kung hindi ball gown, mahahaba ang train o 'di kaya'y masyadong revealing ang cut ng tela lalo na sa neckline.

"Wala na bang ibang design, Emir? Alam mo naman ang taste nitong inaanak mo..." Papa Harper chuckled. Natawa naman si Ninong Emir. Nagulat nga ako nang nangibabaw ang halakhak niya sa buong silid. Na-carried away pa siya dahil nahampas niya ng pabiro ang balikat ni Papa Harper. Dahil doon ay napatingin ako kay Papa Bailey na mukhang makakapatay na ng tao sa tindi ng titig niya.

I snorted. Thinking about what really happened between these three is more interesting than finding the perfect wedding dress for my fake marriage.

Unti-unting umalis si Papa Harper sa tabi ni Ninong Emir. Hindi niya naman iyon napansin dahil abala na siya sa pagmamando sa mga tauhan niya na ilabas ang natitira pa nilang gown. Hinarap naman ako ni Ninong Emir pagkatapos.

Enigma (Dauntless Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon