Chapter 4

23 3 18
                                    

"Dad, can I go outside for a while?" Paalam ko kay papa Bailey. Nakabihis na ako't lahat-lahat pero ngayon pa lang ako magpapaalam. Nakalimutan ko kasi kanina pero mukhang mas okay 'to dahil hindi na siya makakapalag. Napangiti ako nang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"At this hour? Where are you going, Gwyneth Heloise? Sino ang kasama mo?"

Kapag ganitong sunod-sunod ang tanong niya, alam kong malabo ang tsansang papayagan niya ako. I bit my lower lip to think of a solution so he can let me out.

"Si Candy, pa." sabi ko, bahagyang nilakasan ang aking boses para marinig iyon ng kapatid ko.

"Huh? Anong meron?"

Sabay namin siyang nilingon ni Papa. Pinandilatan ko siya ng mata para ipahiwatig na makisakay na lang siya sa akin. Kumunot ang noo niya pero agad din namang napatango nang marealize niya kung ano ang ibig kong sabihin.

"May nakalimutan lang akong bilhin."

"Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang 'yan?"

My shoulder fell from hearing those words from him. I really need to go out! I saw from Alexei's story that he's around the area and I'm hoping to see even just a glimpse of his back from afar. I haven't seen him for days because of the Christmas break and now that I have a chance, I can't just let it slide.

"Saan ang lakad mo, ate?" tanong ni Candice na nakasunod sa akin. Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong pumasok sa kwarto ko. Napasalampak ako sa sofa. Pumameywang naman si Candice nang makaharap niya ako. "Thank you sa sagot, ate, ha. Naabala ata kita."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil ka nga."

"Ano ba kasing meron? Bigla mo akong dinamay tapos ngayon hindi mo na ako papansinin. E, kung hindi kaya kita tulungan?"

"You're going to help me? Swear?" napaayos ako ng upo. Tumango ang kapatid ko.

"Just tell me where we're going and we'll find a solution."

Telling her about Alexei was no big deal because we do not hide anything from each other. Be it about love life, embarrassing moments, dirty little secret, etc. Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang lahat ng detalye ay agad naman itong tumayo at sumilip sa pinto.

"Let's go," she pointed her room. Nakakunot noo akong sumunod sa kaniya. When I reached her room, I saw her pulling out a rope under her bed. I immediately shut the door and went to her side.

"How long have you been keeping that? Since when did you started going outside without telling anyone?"

"Noong birthday ni Aiyla. Isang beses lang naman iyon!"

I shook my head. "Maniwala ako sa iyo."

"Are we going out or are you just gonna keep scolding me?" she said through gritted teeth. Napangiti ako at ginulo ang kaniyang buhok. Agad naman siyang umiwas sa akin at pumunta sa tapat ng bintana para ikabit ang lubid sa grills. Parehong nakalock ang kwarto namin kaya iisipin ng mga magulang namin na tulog na kami. Sana lang walang mangtrip sa amin sa labas. That would be a bummer. We ran off from our parents but we weren't able to escape death.

Matapos ang ilang minuto ay nakatakas na kami nang hindi nahuhuli ng mga magulang namin. Sa likod-bahay kami dumaan dahil hindi bukas ang street light sa tapat noon kaya hindi nila kami makikita. Walking distance lang naman mula rito iyong ramen house kung saan naroon si Alexei kaya hindi na kami nag-abang ng masasakyan.

"Ililibre mo ba ako, ate?"

"Basta huwag mo akong ilalaglag kila Papa."

Tumawa siya. "Bilib talaga ako sa'yo, ate. You're willing to go great lengths just for some dick. This is the first time I've seen you like this."

Enigma (Dauntless Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon