Chapter 16

30 2 14
                                    

Nakasarado naman ang bintana ng kotse ni Andronikos pero bakit parang nabingi pa rin ako sa sinabi niya? Halos hindi ko maisip na iyon ang sinuggest niya sa akin. Idagdag pa na seryoso siya habang sinasambit ang mga katagang iyon. Hindi ako makapaniwala.

Unti-unti akong natawa at nang hindi napigilan ay tuluyan nang napahalakhak. Pinanood niya lamang ako habang ako naman ay halos mamatay na katatawa. Pakiramdam ko kahit maglock ang panga ko, tatawa pa rin ako hangga't gusto ko.

Patawa 'tong si Andronikos. Anong kasal ang pinagsasabi niya? Nababaliw na ba siya?

"Seryoso ka ba?" Sabi ko sa gitna ng pagtawa ko. Nakabusangot na ang mukha niya ngayon. "Sa tingin mo ba papayag akong magpakasal sa'yo? Ang bata ko pa. Ni hindi nga kita kilala! Hindi rin tayo magjowa. Walang maniniwala sa atin, huy!"

Kahit NBSB ako, hindi ko susunggaban ang offer niya para lang d'yan. Hindi naman ako hayok na hayok sa pag-ibig. I've seen many marriages fall, and my parents' is the only one I wish to have in the future. The kind of love that they shared for many years and more...I want it all. I want to be loved by someone sincerely.

"What would you have suggested?"

"Go there and gather the information by yourself."

"Which is never gonna happen," dumilim ang tingin niya.

Napapikit ako. Para siyang batang ayaw pumasok sa school kapag hindi kasama ang nanay niya. Pwede naman siyang pumunta roon kung gusto niya talaga, e. Makakaya niya naman sigurong hindi pansinin ang papa niya at magfocus na lang sa goal namin. Kung talagang pursigido siya, gagawin niya iyon.

Mas lalo tuloy akong naintriga.

"We only need a good story to tell. We can execute this properly if you'll cooperate with me. Madaling maloko ang mga tao, lalo na kapag in love."

I scoffed. "Sorry, hindi pa ako na-in love, e."

Nagtagal ang tingin niya sa akin. I think I saw the corner of his lips rose but before I even realized it, it vanished away immediately. Humor is evident on his eyes, though. My eyes narrowed. Is he teasing me?

"Hindi pa nga ba?"

Nanlaki ang mga mata ko. Tangina! Oo nga pala, nagconfess ako sa kaniya noong akala ko siya si Alexei. Akala ko limot niya na iyon dahil hindi naman para sa kaniya iyon kaya madali niya lang makalimutan pero hindi pala. Ngayon ay ginagamit niya pa iyon para ipang-asar sa akin.

Hindi ko siya pinansin at kunwari ay nag-isip na lamang. I weighed in some options but it all comes back to zero. Masyadong strikto at pribado ang event na iyon kaya malamang, maraming guard at dadaan pa sa maraming proseso para lang makapasok doon. If he wants me to pretend as his wife, I'll get caught the moment they do a background check on me.

"Can't you just find another woman to marry? If you bring me there, I will be exposed. As far as I know, Senator Almazan hates journalists. Baka palayasin ako kapag nalaman niya ang trabaho ko."

"Don't worry, I'll take care of that."

Natigilan ako. Ano naman ang gagawin niya?

"Mukhang pursigido kang pakasalan ako, ah?" nangingiti kong sinabi. Pambawi lang sa pang-aasar niya kanina. Siya naman ngayon ang lumukot ang mukha.

"Tss. Magpapanggap nga, 'di ba?" Halos magkasalubong na ang mga kilay niya. Napakadefensive naman! He tilted his head when he noticed that I'm not saying anything. "Are you in or not?"

Hindi naman sa gusto ko ngang tanggapin ang alok niya, pero habang tumatagal ay narerealize ko na ang pagpapanggap na asawa ni Andronikos ay isang malaking advantage para sa report ko. If anything, I can get a subtle exclusive interview there. I can learn many things and use them if they are needed on my piece. Honestly, his proposal is tempting but I don't want to get involve with him.

Enigma (Dauntless Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon