A Helping Hand

16.2K 541 26
                                    


Olivia



Lumipas ang ilang buwan at wala parin akong nahahanap na trabaho, yung mga nag ooffer saakin ng work dati ay biglang nag atrasan at sasabihing may nahanap na sila. Ultimo sa mga fast food chains ay nahihirapan akong pumasok


Kaya ngayon heto, nag titinda ng kakanin sa may park malapit sa bahay. Wala pa akong alam na papasukan dahil nga walang gustong tumanggap ng resume ko. Kaya minsan parang may sumusulsol saakin na tanggapin ang offer ng Dela Fuente LLC saakin.


Oo, pag tapos kong mag walk out sa opisina ni maldita ay may na resib akong email na nag lalaman ng kontrata para sekretarya ni Dela Fuente. At oo, napaka laki ng offer niyang sahod pero hindi ko magawang tanggapin iyon dahil sa pang iinsulto niya saakin.


"Oh nay, sabi ko naman diba ako na jan? Kakagaling niyo lang ng lagnat eh" pag bawal ko sakaniya dahil nag pupumilit nanaman na mag lako ng kakanin


May sakit si nanay sa puso at hind dapat siya masyadong nag papagod dahil hindi na normal ang tibok ng puso niya, minsan may isang segundo na hindi titibok ang puso niya dahilan ng madalas niyang pagka himatay. Ang sabi ng doktor kailangan na niya na ma operahan at malagyan ng pace maker na tutulong sa pag tibok ng puso niya


Pero wala kaming sapat na pera para gawin iyon lalo na't wala pa akong makitang trabaho.


Bumalik ako sa ulirat ng laking gulat ko ng biglang hinimatay si nanay, buti nalang at nasalo ko siya


"Tulong! Tulong! Tulungan niyo kami!" pag hingi ko ng saklolo


Pero parang lahat ng tao sa paligid ay nanonood lamang. May biglang humintong itim at magarang sasakyan. Lumabas ang driver at ang kasamahan nito at pinagtulungan na ipasok ang nanay sa loob ng sasakyan


Masyadong okupado ang isip ko sa kalagayan ng aking ina para kilalanin pa kung sino 'tong babaeng naka shades


"Nay, kumapit ka nay. Wag mokong iiwan, ikaw nalang ang meron ako" hagulgol ko


Wala na akong pakiaalam kung may iba pang tao dito sa kotse. Mabilis ang mga sumunod na nangyari hanggang sa dalhin na sa operating room si nanay


Bumagsak ang katawan ko ng lubusan kong maintindihan kung ano ang nangyari kasabay ng pag bagsak muli ng mga luha ko


Sobrang sakit sa pakiramdam, para bang triple yung sakit na naramdaman ko ng mawala ang mga tunay kong magulang.


"Here" napa tingala ako sa nag salita


At hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba ito, pero nakatayo sa harapan ko ang taong lubos na hindi ko inaasahang makita


"M-miss Dela F-Fuente? Ano pong ginagawa niyo rito?" takang tanong ko sakaniya


Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon