Tangled Truth

16.3K 483 241
                                    


Olivia



Nagising ako ng maaga para maligo dahil maaga akong tinawagan ng boss ko at sinabihan akong papunta na sya sa bahay.


"Oli may nag hahanap sa—ahh!" napa sigaw sya ng na out of balance ako pag lingon ko sakanya at sabay kaming bumagsak sa sahig palabas ng door way ng kwarto ko


Nakatapis lang ako at medyo basa pa ang buhok, at naka patong ako kay Althea ngayon. Sabay kaming natawa sa nangyari


Bigla naman syang tumigil ng pareho kaming may naramdaman ng tila malamig na presensya. I turned my head and saw an expensive looking pair of stilettos. Bigla akong kinabahan sa nakita dahil sino pa ba ang kilala kong ganoon ang aura.


I tried looking up to confirm my guess, and I was right, and I am so dead.


Miss Dela Fuente is standing before us with my mother behind her, she was looking at me intently before she averted her gaze to Althea. Kung nakaka matay lang ang tingin malamang kanina pa deds tong si Thea.


"Are you planning on hogging each other all day?" mataray na sita nito


At duon lang ako nabalik sa wisyo at madaling umalis sa ibabaw ni Thea at tinulungan syang tumayo, at patuloy na naka yukong nag lakad paalis habang itong isa naman at kulang nalang tirisin si Thea sa galit.


"I want you to be ready in 10, and we'll talk in the car" she dryly said before walking out as well


Naramdaman ko lahat ng dugo ko na umakyat sa ulo at muntikan na akong sumabog sa hiya at takot. Hindi na ako nag abalang mag suot pa ng make up dahil maikli pasensysa non pag nag aantay. Pag labas ko ng kwarto, nakita kong prenteng nakaupo ang boss ko sa maliit na sofa namin kaya't parang hirap na hirap ang mga mahahaba nyang binti sa pag kakaupo.


"Tara na po" pukaw ko sa atensyon niya


Matalim na tumingin ito saakin at pinsadahan ako ng tingin bago tumayo at biglang nag bago ang timpla ng mukha ng humarap kay nanay. Isang malambot na ngiti ang sumilay sa maganda nyang mukha


"We're heading out, Miss Vergara"


Nagulat ako sa tinawag nya kay nanay, ibig sabihin ba alam nyang ampon lang ako?


"Nako, tita oh nanay nalang din ang itawag mo saakin hija"


Ngumiti lang ito sakanya bago nag lakad palabas ng bahay ng hindi man lang ako inantay. Pero bago ito maka labas, tinapunan nya ng tingin si Thea na naka tayo sa may labas ng pinto. Kitang kita kung paano nya tignan mula ulo hanggang paa si Thea bago tuluyang lumabas


I shot Thea an apologetic smile before running up to my boss


Binalot kami ng katahimikan sa loob ng kotse na sya mismo ang nag mamaneho. Takot akong mag salita dahil sa nangyari kanina at isa pa wala din naman akong sasabihin.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon