"She's not still awake?"
"H-hindi pa rin."
"Tsk! Healer ba talaga ang klase ng sigil mo?"
"O-oo. . . p-pero dahil sa. . . p-pwersahan na paggamit niya ng sigil na w-walang sapat na lakas m-mabagal umipekto sa katawan niya ang stamina vitalize ko."
"Sinasabi mo ba! na kasalanan ko kung bakit wala pa rin siyang malay?"
Dinig kong usapan ng dalawang babae.
Ako ba pinag-uusapan nila?
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
"H-hindi 'yon ang ibig kong sabihin. H-hindi kasi masyado umiipekto ang sigil ko kapag sobrang nagamit ang sigil," paliwanag ng babae na nakatayong nakatalikod sa'kin kaya hindi ko kita ang mukha niya.
"Tss! Your sigil is useless." Napadako ang tingin ko sa kausap ng babae.
Nanbilog ang mga mata ko ng makita ang pagmumukha ng batang babae kanina na gusto akong patayin.
Nakasandal ang batang babae sa pader malapit sa kanang bahagi ng pinto habang ang tingin nito ay sa hawak niyang maliit na patalim na abala niyang pinupunasan gamit ang kanang kamay niya.
Hindi pa nila napapansin na gising na ako dahil abala silang dalawa sa pakikipag-usap sa isa't-isa at sa ginagawa nila.
Lumapit ang batang babae sa pinto at iniikot ang door knob. "Make sure she wake up later if you don't want to see her disappear," habilin ng batang babae sa kausap bago niya tuluyang binuksan ang pinto at naglakad palabas.
Disappear? Anong ibig sabihin niya don?
Agad kong ipinikit ang mga mata ko at nagkunyareng tulog ng mapansin kong palingon sa gawi ko ang babae.
Rinig na rinig ko ang tunog ng takong ng kan'yang sapatos na mukang papalapit sa deriksyon ko. Naramdaman ko ang biglang paglubog ng kama na nasa kanang gilid ko.
"Stamina Vitalize," mahinang sambit niya.
May naramdaman akong kakaiba sa buo kong katawan para bang bigla na lang akong naging malakas at aktibo. Gusto kong imulat ang mga mata ko para silipin kung ano ang ginagawa niya pero. . .
Paano kong katulad rin siya nong batang babaeng kausap niya na gusto akong patayin? Anong gagawin ko?
Wala na akong sapat na lakas na takasan pa siya dahil sa mga pinaggagawa sa akin ng batang babae kanina.
Alam kong may ginagawa siya na kung ano sa katawan ko kaya ganito na lang ang pakiramdam ko. Malay ko ba na baka sinisimulan na niya akong kulamin!
Agad kong iminulat ang mga mata ko at mahigpit na hinawakan ang kanang palapulsuhan ng babae ng masilaw ako sa kulay berdeng liwanag na galing sa suot niyang sing-sing sa hintuturong daliri.
"Anong ginagawa mo sa akin? Kinukulam mo ba ako?" bakas sa mukha ng babae ang pag-kagulat na makita ako.
YOU ARE READING
IséKaì(Realistic Game) On-going
Science FictionAng takbo nang buhay ng tao ay maihahawig sa takbo ng isang laro. They need to play the game to survive and they need to fight to stay in a game. Sabi nila, play your life like a game but what if someone play your life like a game? Can you still pla...