"Woooh!" Hindi namin ni Kei maiwasang hindi mapatulala sa tanawin na nakikita namin.
Nandito kami ngayon sa mahaba at sementadong tulay na napapalibutan ng malawak na tubig na kulay asul na kumikinang pa sa malayo dahil sa sinag ng araw na tumatama dito.
Tirik na tirik ang araw pero hindi naman mahapdi sa balat ang sinag nito dahil malakas ang hangin na tumatama sa mga balat namin.
Magkasabay kaming dalawa ni Kei na naglalakad habang sinusundan namin si Ise na abala lang sa pagbabasa sa hawak niyang libro.
Wala na ba siyang ibang libangan kundi magbasa lang?
"Saan tayo Kai pupunta?" bulong ni Kei habang nakahawak sa kanang braso ko.
"Were going to Mahiya Town," biglang sagot ni Ise habang sa hawak niyang libro pa rin ang tingin.
"Anong gagawin natin don?" Dahan-dahan niya akong nilingon.
"Don't ask and just follow." Kunot noong sagot nito saka na nagpatuloy sa paglalakad habang nagbabasa sa hawak niyang libro.
"Sana madapa ka! Ang sungit, nagtatanong lang e," mahinang bulong ko na tinawanan ni Kei.
"Mukang nakahanap ka ng katapat Kai."
Naging tahimik lang ang paglalakad naming tatlo dito sa mahabang tulay patungo sa Mahiya Town na sinasabi ni Ise.
Hindi ko alam kung anong klaseng lugar 'yon. Hindi na ako naglakas loob na magtanong pa kay Ise dahil baka marinig ko nanaman sa bibig niya ang salitang 'Don't ask and just follow'.
Awang na awang ang bibig ko nang subukan kong sumilip sa ibaba nitong tuloy dahil sa sobrang linaw ng tubig ay kitang-kita ko ang mga naglalakihang mga isda katulad ng balyena, dolphin, pating, mga maliliit na isda na may mga iba't-ibang kulay sa katawan at marami pang ibang klase ng mga isda na hindi ako pamilyar sa mga pangalan na mga payapang lumalangoy sa ilalim ng tubig.
Hindi rin pinalampas ng mga mata ko ang magagandang coral ref, naglalakihang shell, seaweeds at ang kulay puting buhangin sa ilalim ng tubig.
"Ang ganda!" sambit ni Kei saka niya dahan-dahan na pinikit ang mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin.
"Sobra! para tayong nasa paraiso," saad ko na ipinikit rin ang mga mata at dinama rin ang simoy ng hangin.
"Descant Bridge Paradise ang pangalan ng tuloy na ito." Napamulat mata ako at napalingon sa likuran ko nang may marinig akong pamilyar na boses.
"Chlear!" Nakangiting tawag ko. Kasama niya si Hell na abala lang sa pagpapaikot ng patalim niya sa kaliwang hintuturo.
They are also wearing a uniform like us. White long sleeve, black high waist skirt above of the knee and black coat na bagay na bagay sa kanila lalo na kay Hell na ang cute tingnan, nagmukha siyang babae. Hindi katulad nong una ko siyang nakita na napagkamalan kong lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/258243350-288-k713969.jpg)
YOU ARE READING
IséKaì(Realistic Game) On-going
Science FictionAng takbo nang buhay ng tao ay maihahawig sa takbo ng isang laro. They need to play the game to survive and they need to fight to stay in a game. Sabi nila, play your life like a game but what if someone play your life like a game? Can you still pla...