Chapter 7: Weapon Acquire

10 1 0
                                    

Maingay na huni ng mga ibon. Malamig na simoy ng hangin at mga nagtataasang mga puno.

"Anong klaseng lugar 'to?" bulong ko habang palinga-linga sa paligid.

See the photo below for reference only

See the photo below for reference only

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Note: The photo is not mine.
Credit to the rightful owner

"Duel Battle Village. Forestia Land." Napalingon ako sa likuran ko.

Bumungad sa'kin ang pagmumukha nong lalaking
may mga tattoo sa katawan na humarang sa'min ni Chlear kanina.

Naka krus ang mga binti nito habang nakaupo sa tumbang katawan ng punong kahoy sa 'di kalayuang deriksyon.

"Anong kailangan mo sa'kin?"

Sumilay ang malawak na ngisi sa labi niya. "Tama ba 'yong narinig ko na hindi mo pa alam kung anong klase ng sigil ang meron ka?" tanong nito habang dahan-dahan na tumatayo sa tumbang katawan ng kahoy na kinauupuan niya.

"E ano naman ngayon?"

"Tanghali."

"Eh!" Ngiwi ko dahil sa balasubas na sagot niya.

Naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko. Huminto lang siya nang medyo malapit na ang distansiya niya sa'kin.

Ipinasok niya ang kanang kamay sa loob ng kan'yang bulsa. Mula roon ay may inilabas siyang isang itim na kung anong bagay na parang medyo malaki at mataas sa sukat ng lipstick.

Vape?

Isinubo niya sa kan'yang bibig ang bagay na hawak niya at humigop don. "Curious lang ako. Ano kayang klase ng sigil ang meron ka at saang kategorya kaya ito napapabilang?" tanong nito habang may lumalabas na usok sa bibig niya.

"Don't forget, curiousity will kill you."

Malakas na humalak-hak ang lalaki sa naging sagot ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"I like you." Nakangiting turo pa nito sa'kin.

"Magdadadaan na lang ba tayo dito?" maangas na tanong ko pero ang totoo kinakabahan na ako.

"Huwag kang masyadong atat iha, darating rin tayo dyan," sagot nito saka humigop ng malalim sa vape na subo niya.

"Triple smoke clone," usal niya matapos niyang tanggalin sa bibig ang subo-subong vape sabay buga sa ere ng mga usok na hinigop niya.

Naihakbang ko ng kunti paatras ang kanang paa ko nang biglang humulma ng tatlong kawangis niya ang usok na inilabas niya sa kan'yang bibig.

IséKaì(Realistic Game) On-going Where stories live. Discover now