Chapter 1: Link

27 2 0
                                    

"Iha! Iha! Iha!" Napamulat mata ako dahil sa pagtapik ng kung sino sa'king ulo

Bumungad sa harapan ko ang matandang pag-mu-mukha ni manong driver.

"Mukang nagiging libangan muna iha ang pagtulog sa sasakyan ko." Alanganin akong napangiti sa kan'ya.

"Halata po ba?" Tumango-tango siya saka malakas na tumawa.

"Sige na, bumaba ka na at baka maabutan ka pa ng gabi sa daan. Delikado pa naman sa mga kabataang babae na katulad mo ang magpagabi ng mag-isa sa daan. Mag-iingat ka palagi Iha."

Tumayo ako ng tuwid sa harapan niya sabay saludo. "Yes po sir!" Natatawang sambit ko bago tuluyang nagpaalam at bumaba ng bus.

Payapa akong naglalakad dito sa gilid nitong sementadong daan. Napahinto ako dahil sa isang dilaw na barya ang biglang gumulong malapit sa paanan ko.

"Kuya! Ba't mo tinapon ang isang daang libo ko?" Mangiyak-ngiyak na turo ng isang batang babae sa dilaw na barya.

"Hindi naman kasi 'yan isang daang libo! Limang piso lang ang halaga niyan kaya hindi tayo makakabili nong bagay na gusto mong bilhin!" sigaw naman sa kan'ya nong batang lalaki.

Pinulot ko ang dilaw na barya at lumapit sa batang babae na panay pa rin ang iyak.

"Ano ba 'yong bagay na gusto mong bilhin?"

"Iyong doll po na 'yon." Turo ng bata sa maliit na manika na naka display sa isang maliit na store.

Lumapit ako sa tindahan para bilhin ang nag-iisang manika na naka display saka ko 'yon ibinigay sa batang babae. Dahan-dahan akong umupo sa harapan niya at pinunasan ang mga mata niya.

"Sayo na 'yang doll pero akin na 'tong isang daang libo mo. Okay ba?" Nakangiting tumango-tango naman siya sa'kin.

"Hindi naman 'yan isang daang libo," mahinang bulong ng batang lalaki kaya't napangiti ako at nagulo ko ang buhok niya.

"Iisipin ko na lang na isang daang libo 'to kaysa limang piso. Marami pa akong pera. Ano sa tingin mo?"

"Ikaw po bahala. Alis na po kami baka hinahanap na po kami sa bahay," sagot ng batang lalaki saka niya hinawakan sa kamay ang batang babae at naglakad paalis.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad nang
may mapansin akong maraming tao na nagkukumpulan. Sinubukan kong silipin kung ano ang tinitingnan nila.

Napaawang ang bibig ko na makita ang isang puting maliit na daga na nasa loob ng maliit na hawla dahil sa kakaibang itsura ng dalawang tenga niya na katulad ng sa paniki.

"Anong klaseng daga 'yan? Ba't ang tenga niya ay pang paniki?" tanong ng isang matandang lalaki na may bit-bit pang mga samo't saring gamit katulad ng maliit na palakol, martilyo, lagari at kung ano-ano pa.

"I think it's look like a chemira mouse-eared-bat or maybe a genetic engineering," sagot ng isang lalaking studyante na may ipit-ipit pang makapal na libro sa kanang kili-kili. Meron rin siyang suot na itim na finger gloves sa dalawang kamay niya.

IséKaì(Realistic Game) On-going Where stories live. Discover now