"Finally! Nakauwi na rin tayo!" masayang wika ni Kei nang makababa na kami ng bus.
Muntik pa kaming maiwanan nong Parallel bus kanina. Buti na lang--
Bigla akong napatitig kay Hell na akay-akay ni Chlear pababa ng bus kaya't di ko tuloy mapigilang alalahanin ang lahat ng mga nangyari kanina.
"Shit! Isang oras na lang natitira bago ang Switching Hour!" kagat labing sagot ni Chlear.
"Hindi tayo aabot sa Stasì kung isang oras na lang bago ang Switching Hour kahit na tumakbo pa tayo ng mabilis," dagdag ni Fiur na napasabunot pa sa kanyang buhok.
Napakagat ako sa ibabang labi dahil mukang kami ata ni Kei ang may kasalanan kung bakit kami maaabutan ng Switching Hour. Kung hindi kami natagalan sa pagsagot ng mga tanong don sa puting pusa hindi sana kami kukulangin ng oras bago ang Switching Hour.
"Sorr-"
"You don't need to apologize." seryusong putol ni Ise sa sasabihin ko, "because it's not your fault at all." Napayuko na lang ako sa mga sinabi niya. Naramdaman ko naman ang biglang pagtapik ni Chlear sa balikat ko.
"Ano ng gagawin natin ngayon?" seryusong tanong ni Fiur.
"Ano pa ba!" Napalingon kaming lahat sa likod dahil sa malakas na sigaw.
Bumungad sa harapan namin si Hell na kalmado lang na naglalakad palapit samin habang may subo-subo na lollipop sa bibig niya.
"Muka atang nakalimutan niyo kung ano ba talaga ang sigil na meron ako." Seryusong turo ni Hell sa sarili niya nang makarating na ito sa'min.
"Huwag na kayong mag-alala, ako na ang bahala sa inyong lahat gamit ang sigil ko na Teleportation."
Lahat kami nakatulala lang na nakatingin sa kan'ya hanggang sa biglang nagsalita si Ise.
"You are thinking to use Dimension Shift, right?"
Ngumiti ng malawak si Hell sabay turo kay Ise. "Bingo!"
"P-pero Hell," biglang sabat ni Chlear na bakas sa tuno ng boses niya ang pag-alala. "Kada isang tao o bagay lang ang kayang mailipat sa bagong lugar ng Dimension Shift mo."
"Hmm! Alam ko." seryusong sagot ni Hell, "at yon ang balak kong gawin. Isa-isa ko kayong ililipat patungo sa Stas-"
"Di ka ba nag-iisip!" putol ni Chlear sa paliwanag ni Hell.
"Mauubos ang Mana na meron ka kapag ginawa mo yon! at. . . p-pwede mong. . . ikalah-"
"Hindi mangyayari yon!" sigaw ni Hell kaya't napatigil si Chlear sa pag-sasalita, "dahil nandiyan ka naman diba?."
Napawaang na lang ang bibig ni Chlear sa mga sinabi ni Hell pati ako ay nagulat rin sa sinabi niya hanggang sa sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Chlear sa pisngi habang ako ay napangiti na lang.
Nang dahil kay Hell at sa tiwala na binigay niya kay Chlear mabilis kaming nakarating sa Stasì at naabutan pa namin 'yong parallel bus.
"Grabe! Parang hindi tayo napad-pad sa ibang lugar," manghang usal ni Kei.
"Tss! Ingay mo," mahinang bulong ni Fiur nang makakaba na ito ng bus na mukang narinig naman ni Kei.
Ang sama na kasi ng tingin ni Kei kay Fiur habang wala naman pakialam si Fiur sa kan'ya dahil sa hawak na cellphone lang ito nakatingin.
YOU ARE READING
IséKaì(Realistic Game) On-going
Ciencia FicciónAng takbo nang buhay ng tao ay maihahawig sa takbo ng isang laro. They need to play the game to survive and they need to fight to stay in a game. Sabi nila, play your life like a game but what if someone play your life like a game? Can you still pla...