Chapter 5: Rule

10 2 0
                                    

"Iha! Iha! Iha!" Napamulat mata ako ng maramdaman kong may umaalog sa kanang balikat ko.

"Okay ka lang ba?" Bumungad sa harapan ko ang isang matandang lalaki. "Mukang nananaginip ka ata iha."

"I-ikaw ho. . . 'yong matandang driver sa. . ." Natigilan ako at agad na iniikot ang paningin sa buong paligid.

Nandito ako sa loob ng lumang bus na tanging ako at itong matandang driver na nakakunot noong nakatingin sa'kin lang ang natitirang nandito.

"N-na saan ho 'yong mga nakasakay dito?"

"Bumaba na silang lahat."

"Po? E 'yong dalawang lalaki at dalawang babae ho na kasama kong sumakay?"

"Dalawang lalaki at dalawang babae na kasama mo? Sa pagkakatanda ko iha, mag-isa ka lang nong sumakay ka dito." Kamot ulong sagot ng matanda.

"Po?" sunod-sunod akong napakurap mata. "I-imposible, tandang-tanda ko ho na kasama ko ho sila na mga sumakay dito."

"Baka nananaginip ka lang iha kasi kanina narinig kitang may sinasabi ka na kung ano-ano habang tulog ka."

"Hhe! N-nananagi- Ako ho n-nananaginip?"

Alanganin natawa ang matanda habang nagkakamot sa ulo niya. "Minsan talaga may mga panaginip tayong mukang totoo lalo na kung 'yong panaginip na 'yon ay may koneksyon sa nangyayari sa buhay natin, 'yong mga pangyayari na tanging sa panaginip lang mangyayari na kung saan umaabot sa punto na hinihiling natin na sana hindi na lang 'yon isang panaginip."

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Ang bigat sa pakiramdam ng mga sinabi niya pero 'yong nararamdaman at hangarin ko ay iba ng sa kan'ya.

"Magkaiba ho pala tayo ng pananaw." Napangiti ako ng mapait sa kan'ya.

Isinabit ko na ang asul kong shoulder bag sa kaliwa kong balikat kahit naguguluhan sa mga nangyayari sa'kin ngayon saka ako tuluyang tumayo.

"Ako ho kasi, hinihiling ko na sana panaginip lang 'yon lahat." Mapait na ngiti ko.

"Una na ho ako. Thank you po sa paggising sa'kin at pasensiya na po sa abala," sambit ko saka naglakad pababa ng bus.

Diri-diritso lang ang paglakad ko hanggang sa makarating ako sa may tawiran. Nilingon ko pa ang lumang bus.

Buti na lang at school bus ang na sakyan ko dahil kung public bus 'yon ay baka sa terminal na ako pupulutin ngayon. Hindi pa naman ako inabalang gisingin nong apat.

Teka! Speaking of them. Ba't sinabi ni manong na mag-isa lang akong sumakay ng bus? E tandang-tanda ko talaga na kasama ko silang mga sumakay. Sila pa nga mga nauna sa aki-

IséKaì(Realistic Game) On-going Where stories live. Discover now