"Heto na ba ang Malveir Town?" tanong ko nang marating namin ang isang panibagong lugar na napapalibutan ng mga maliliit na shop.
Palinga-linga pa ako sa buong paligid habang dahan-dahan kaming naglalakad.
"Sceoppa ang lugar na 'to," sagot ni Ise habang sa librong hawak niya pa rin ang tingin.
"Akala ko ba sa Malveir Town tayo pupunta?" sabat ni Kei. "E anong ginagawa natin dito?"
"Pwedeng 'wag kang atat dyan! Darating din tayo sa lugar na 'yon," sabat ni Fiur kay Kei.
"Pwedeng itikom mo rin 'yang bibig mo! Hindi ikaw ang kausap ko!" singhal naman ni Kei sa mismong pagmu-mukha ni Fiur hanggang sa nag-simula nanaman silang dalawa na mag-bangayan habang patuloy lang kami sa paglalakad.
"You need to know first what kind of aspect fitted on your sigil before we go to Malveir Town," biglang sambit ni Ise habang nagbabasa pa rin sa librong hawak niya na siya ring dahilan kaya't napatigil sa pagbabangayan ang dalawa.
"Aspect? Ano naman 'yon?" Krus kamay na tanong ni Kei kay Ise.
Seryuso niyang isinara ang librong hawak niya at seryusong tumingin kay Kei. "Aspect is a weapon that you can use in every battles. Some sigil didn't function well if the aspect that you choose are not fitted on your sigil type like for example the kind of sigil of that ugly monkey." Turo nito kay Fiur.
Nanlaki naman ang mga mata ni Fiur na itinuro ang sarili niya. "Huh! Seryuso? Ako! Ugly monkey? Sa gwapo kong 'to lahat ng babaeng makita ako, nagkakandarapa sa'kin."
"Talaga ba? E bakit ako nasusuka na makita 'yang pagmu-mukha mo," sabat naman ni Kei dito.
Gulat naman na napatakip si Fiur sa kan'yang bibig. Umakto rin itong parang inaatake sa puso dahil sa biglang paghawak niya sa kan'yang dibdib.
Magkasalubong naman na ang dalawang kilay ni Kei dahil sa biglang inasta ni Fiur.
"H-huwag mong sabihin na. . ." huminga muna ito ng malalim saka ipinagpatuloy ni Fiur ang pag-sasalita, "n-na p-pinaglilihian mo itong napaka-gwapo kong mukha? Aba! Hindi ako papayag na kumalat na lang ng basta-basta ang lahi k-" Hindi na natapos ni Fiur ang pinagsasabi nito dahil nakatanggap na ito ng malakas na batok kay Kei.
Pilit ko namang tinatago ang tawa ko dahil magagalit sa'kin si Kei kapag nakita niyang tinatawanan ko siya.
"Hindi ka talaga buntis? E diba sabi mo nasusuka ka?"
Sinamaan ni Kei ng tingin si Fiur. "Isa pang tanong! at makakatikim ka ulit sa'kin!"
"Hindi mo talaga ako pinaglilihia-" Agad na itinikom ni Fiur ang labi niya nang biglang bumungad sa harapan niya ang kanang kamao ni Kei.
![](https://img.wattpad.com/cover/258243350-288-k713969.jpg)
YOU ARE READING
IséKaì(Realistic Game) On-going
Science FictionAng takbo nang buhay ng tao ay maihahawig sa takbo ng isang laro. They need to play the game to survive and they need to fight to stay in a game. Sabi nila, play your life like a game but what if someone play your life like a game? Can you still pla...