CHAPTER 10

3.6K 114 1
                                    

Khian's POV.

"Goodbye students see you tomorrow" Saad ni Prof. Mica . Tumayo naman ako  para ayusin ang mga gamit ko at ilagay sa bag ko bago simulang maglakad papuntang pintuan ng bigla akong tinawag ni Prof Mica. Isa isa namang naglalabasan ang mga kaklase ko. Pero si Caley andito sa tabi ko. Pagkatawag ni prof sakin napatigil din siya sabay lapit sa pwesto ko.

"Mr. Montemayor right? " Tanong nito tymango naman ako.

"Yes po ma'am bakit po? " Saad kopa.  May binigay naman siyang folder sakin. Tinanggap ko naman iyon.

"Pwede bang paki bigay kay Professor Chua  ang folder nayan? Andun siya sa faculty room. Thanks in advance Khian" Saad ni prof. Mica. Tumango naman ako bilang pag sang ayun. Kaya lumabas narin siya. Sumabay narin kami ni Caley deritso kung saan ang daan papuntang faculty room. Buti alam ni Caley kasi ako wala akong ka ideya-ideya kung saan yun banda.

Habang naglalakad kami ay biglang nagsalita si Caley dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"Ahmmm Khian, birthday kona pala bukas, gusto kung pumunta ka sa bahay. May kunting selebrasyon kami. Pwede ba" Napangiti naman ako sa ainabi niya. Kaya binati ko agad siya.

"Advance happy birthday Caley, oo naman pupunta ako lalo nat birthday ng best friend ko." Masaya kung ani. Napangiti naman siya.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay narating narin namin ang pintuan ng faculty room kaya binuksan na agad namin sabay pasok sa loob. Nakasulobng namin namin ang isang Guro kaya tinanong naming kung saan banda ang table ni Mr. Chua

"Ahmm excuse me ma'am pwede magtanong? " Saad ko. Tumango naman ito.

"Yes iho ano yun? " Saad pa niya.

"Ahmm saan po banda ang table ni Mr. Chua? " Habang tinatanong ko ay bigla ko nalang naisip na baka si prof. Vladimir ang tinutukoy ni ma'am Mica na ibigay namin itong folder.

"Linya sa table nato, sa ikatlong table kung saan ang table ni professor Mica." Saad ni ma'am tumango naman ako sabay nagpasalamat bago tumungo sa tinuro ni ma'am kanina.

Kaso wala ata si Sir Vlad. Kung ganon ilalagay ko nalang itong fold—

"How can i help you? " Nabigla nman ako sa boses nayun sabay lingon namin sa likod. Nagulat ako kung sino yun. Pamilyar siya sakin pero diko matandaan kung saan ko siya huling makita.

"Kung ganon ikaw si Professor Chua? Akala kopo si Sir Vlad" Saad naman ni Caley kung ganon pareha kami ng iniisip.

"Ahh oo nga pala, di niyo pala alam na ako ang pumalit kay Sir Vlad niyo. I'm Derick Chua, a new professor Chua" Saad pa niya habang nakatingin sakin. Napayuko naman ako. Ewan ko pero sa paraan ng pagtitig niya ay iba para sakin..

"Ito po yung folder na pinapabigay ni ma'am Mica sa inyo Sir" Saad ko sabay bigay sa kanya. Tinnaggap naman niya iyon pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Pero di agad niya ito binitawan kaya pinilit kung kumawala sa pagkahawak niya.

Ngiti naman niya akong tiningnan, ewan ko pero natayakot ako sa paraan ng pag ngiti niya.

"Thanks for this Khian." Saad niya.

"Walang anuman sir, aalis napo kami bye po" Si Caley na ang sumagot dahil nahahalata niya atang naiilang ako. Kaya hinila naman niya ako palabas ng faculty room.

Pagkalabas namin ay nahimasmasan naman ako.

"Parang may  iba kay prof. Chua khian, napansin ko kanina eh habang nakatingin siya sayo" Nabigla naman ako sa ainabi niyang yun.

"Nako, di naman, baka nababaguhan lang yun sakin, para bang tinatandaan niya lang ako. Tara na may trabaho pako mamayang gabi eh" Di naman siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Seryuso? Magtatrabaho ka mamayang gabi? " Di makapaniwala niyang sabi.

"Kahapin lang ako natanggap at ngayong gabi ako magsisimula kaya maaga ako uuwi so tara? " Saad ko tumango naman siya kaya nagaimula narin kaming maglakad palabas ng universidad na magkasama.

Pregnant by Mr. Chua [BXB] [M-PREG] |✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon