7

3.8K 127 6
                                    

Vlad's POV.

"Trina! " Tawag ko sa sekretarya ko. Lumapit naman agad ito sakin.

"Ano po yun boss? " Saad niya. Binigay ko naman sa kanya yung tambak na papeles.

"I need you to arrange that papers as soon as possible. Kailangan mong tapusin yan ngayon din." Utos ko sa kanya. Tumango naman siya bilang di pagtanggi sa utos ko bago bumalik sa lamesa niya.

Yes tama kayo ng nabasa. Nagsimula na nga akong magtrabaho dito sa company. And ang masasabi kolang ay nakakapagod. Pero wala akong magagawa. Kailangan kung sundin si lolo.

And this things bothered me also. That name Khian, minsan kasi bigla nalang nag pop out sa isip ko ang mukha niya. I can't deny na he's handsome and cute pero bat koba naiisip siya lalo na ang mukha niya na palagi kung maalala.

What's happening to me? At anong meron sa batang yun na nagpaagaw ng atensyon ko?  Is this me now?  Or i just can't forget he's perfect face

*******************

Khian's POV.

"Khian?.... Khian... KHIAN HOY!! " nagulat naman ako sa sigaw nayun kaya napalingon naman ako kay Caley na nakataas kilay na nakatingin sakin.

"Anyari sayo? Bat nakatulala ka jan? Iniisip moba yung lesson natin kanina kay ma'am Mica? " Sabi pa niya.

"Hindi yun." Ikli kung sabi. Sa totoo lang iniisip ko parin ang sinabi ni Steffy sakin nung isinama ako sa bahay nila. Hanggang ngayon kasim di parin ako makapaniwala na nagkakagusto siya sakin.

"So anong iniisip mo? " Yanong niya ulit.  Nagdadalawang isip naman akong sagutin yun pero kailangan niya ring malaman lalo nat naging kaibigan ko narin si Caley at siya yung babaeng una kung naging kaibigan.

"Si Steffy kasi" Simula ko.

"Anong kay steffy? " Tanong naman niya.

"Umamin siya sakin na gusto niya ko Caley" Saad ko nabitawan naman niya ang hawak niyang tinidor. Andito kasi kami ngayon sa canteen. Dahil break time na namin.

"Ahmmm.. G-Ganon ba. Anong sabi mo sa pag amin niya? " Medyo utal niyang ani. Kahit nagtataka ako sa paraan ng pagsasalita niya ay sinagot ko parin.

"Sinabi ko sa kanya na di kami bagay, alam mo naman na mahirap lang ako at chaka mayaman siya, malayo ang agwat namin sa buhay." Saad ko tumango naman siya sabay kain ulit ng spaghetti na binili niya.

"Aham... Kung ganon dimo siya gusto? " Tanong pa niya. Tumango naman ako. Oo maganda si Steffy at kaakit akit ang ganda niya pero di siya yung tipong babae na gusto ko. Sabihin niyo man na mapili ako pero ni katiting wala akong nararamdaman sa kanya kundi kaibigan lang. Sasabihin ko sana iyon sa kanya kaso diko na tinuloy dahil ayaw kung masaktan siya sa maaari kung sabihin at ayaw kung mangyari iyon lalo nat napalabait niya sakin.

"Diko siya gusto alam kung maganda siya pero di siya yung tipong babae na gusto ko. Hanggang kaibigan lang talaga kaya kung maibigay sa kanya" Saad ko napangiti naman siya.

"Kung ganon alam niya na wala kang gusto sa kanya? "

"Hindi ko sinabi. Ayaw kung makita ang magiging reaksyon niya sa sasabihin ko. At isa ang bait niya para saktan ko ang damdamin niya Caley" Tango-tango naman siya.

"Sa bagay tama ka Khian, minsan kasi kailangan natin mag isip ng paraan o dahilan para di natin sila masaktan." Tumango naman ako bilang pag sang ayun.

Hanggang sa tumunog narin ang bell hudyat na tapos na ang breaktime kaya tumayo narin kami para bumalik na sa klase namin.

Pregnant by Mr. Chua [BXB] [M-PREG] |✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon