CHAPTER 28

2.4K 98 4
                                    

[⚠️Grammatical errors ahead⚠️]

Khian's POV.


Nandito ako ngayon sa harap ng bahay ni Jericho. Dadalawin ko siya, na miss kona din itong mokong nato kaya di rin ako nagtagal nag ayo narin ako.

"Tao po... Mama Pasing! " Medyo sigaw kung ani. Maya maya ay lumabas naman si aling Pasing, mama ni Jericho. Nagulat naman siya pagkakita niya sa akin, kaya dali daling siyang lumapit sa kinaruruunan ko bago buksan ng gate nila.

"Nako khian ikaw pala" Masaya niyang ani sabay yakap sakin, oo ganon kami ka close ng mama niya. Nung elementary palang kami ni Jericho. Parang bahay ko narin itong bahay nila, lagi akong pumupunta rito dahil lagi akong dinadala ni Jericho dito mismo sa bahay nila para maglaro. Kaya nasanay narin si aling pasing hanggang sa tinuring narin niya akong di iba. Tinuring niya rin akong anak niya.

"Magandang araw po mama pasing" Masaya kung banggit dito. Oo mama din tawag ko sa kanya kasi yun raw itawag ko sa kanya, dahil wala namanng masama kaya simula nun mama na tawag ko sa kanya hanggang sa mag high school kami ni Jericho.

"Nako ikaw bata ka, di ka man lang nagpaalam sakin na sa lungsod kana mag aaral" Malungkot niyang ani. Na konsensiya naman ako. Biglaan din kasi ang pag alis ko sa probinsiya kaya ni paalam diko nagawa lalo na kay Jericho.

"Patawad mo ma, biglaan din kasi ang pag alis ko, anjan ba si Jericho? " Saad ko.

"Ayy oo anak, andito yung kaibigan mo hali ka pasok tayo sa loob, nag agahan kana ba? " Tanong niya habang papasok kami sa loob.

Walang pinagbago, maganda parin. Akala ko mag iba kasi ilang linggo din akong wala sa probinsiya at di nakadalaw dito. Ngayon lang talaga.

"Anak, may bisita ka!! Bumaba kana muna" Sigaw ni mama pasing. Oo may second floor din itong bahay nila.

Maya maya bumukas ang pinto sabay labas ng isang napakakisog na lalaki. Wala iba kundi ang kaibigan kung si Jericho.

"Sino bayan ma, inaantok pako eh" Saad niya na halong antok sa pagkasabi niya. Napuyat naman siguro to kaka mobile legend.

"Andito si Khian" Saad pa ni mama,

"Sino ma? " Ulit pa niya. Imbis na ulitin ni mama pasing tinawag kona siya.

"Kamusta na Pre" Banggit ko kaya napalingon naman siya sa deriksyon ko.

Nakita ko nalang siyang patakbong lumapit sa pwesto ko sabay niyak ako ng napakahigpit.

"Khian, khian ikaw nga" Masaya niyang ani na para bang 10 taon akong di niya nakita sa paraan ng pagyakap niya na para bang iniiisip niya na mawawala ako.

"Ahmmm aray naman ang higpit naman nun pre" Biro ko sa kanya bumitaw naman siya.

"Pasesnya na khian, na miss lang kita, alam mo naman na ikaw lang kaibigan ko na pinahahalagahan ko diba" Saad pa niya. Napangiti naman ako.

"Mga anak, kain na muna tayo mamaya na kayu magkamuatahan hali na kayu nakahanda na ang agahan" Saad ni mama, agad naman akong hinila ni Jericho. Nagpahila nalang ako.

[Kusina]

"Kamusta ka naman sa lungsod Khian, wala bang nang aaway sayu dun? Dahil kung meron malalagot talaga sila sakin" Seryuso noyang ani sabay pakita sa kamao niya. Napatawa nalang kami ni mama kaya aumabay narin siya. Oo ganito kami habang kumakain, di talaga mawala ang saya.

"Wag kang mag alala mababait naman sila sakin walang nambubully dun, di tulad noon na lagi akong inaaway sa high school year natin pero andun ka para ipagtanggol ako" Saad ko.

"Siymepre, malalagot talaga sila sakin oag sinasaktan nilang ang  special sakin na tao diba magagalit ka nun pag sinasaktan nila ang mahalagang tao sayi? " Saad niya. Tumango naman ako bilang pag sang ayun.

"Ahmmm khian, kailan ka babalik sa lungsod? " Pag iba niya ng usapan.

"Bukas, may pasok na kasi, bakit? " Tanong  kopa.

"Ahhh ganon ba, gusto sana kitang yayaing gumala sa may bagong park dito sa probinsiya natin" Saad pa niya. Ngumiti naman ako.

"Oo ba, basta libre mo haaha kain tayu fishball at kwekwek. Na miss konang kumain ng ganon eh" Saad kopa. Ngumiti naman siya. Bakas talaga ang saya sa mukha niya na sana di mawawala.

"Oo naman noh, basta mamayang gabi hah, maganda kasi pag gabi" Saad pa niyam tumango naman ako.

"Sige ba" Saad ko naman

"Ohh siya kain na muna tayu para di lumamig itong ulam na niluto ko noh" Singit ni mama pasing kaya napatawa nalang kami. At nagsimulang kumain.

"Mama paaing mauna napo ako, anong oras narin baka kailangan ako ni mama sa bahay" Paalam ko.

"Ohh sige anak, basta dumalaw ka pag may oras ka hah mamimiss ka nitong anak ko" Saad pa niya.

"Mamam naman eh" Dinig kopang sabi ni Jericho. Napangiti nalang ako sa kaibigan kung to.

"Ahmmm ihahatid na kita Khian para naman may kausap ka habang naglalakad" Saad pa niya.

"Nice idea pre tara" Saad kopa kaya lumapit naman aiya sa pwesto ko. Nagpaalam muna kami ni mama bago nagsimulang magkalad.

"Ahmmm khian, maganda ba sa lungsod" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Oo naman pre, at isa pa makahanap ka ng trabaho doon gusto mobang magtrabaho? Tumatanggap naman sila ng senior graduate eh" Saad kopa. Isa pa gusto ko ring makasama sa trabho itong mokong nato.

"Talaga, naks naman sige ba sasabihan ko si mama kung papayag yun pero sa tingin ko papayag naman yun" Saad pa niya.

"Sige try kung magtanong sa restaurant na pinapasukan ko kung pwedo paba mag apply tas tatawagan kita kung pwede okay ba? " Agaf naman siyang tumango sabay yakap sakin kaya napatigil naman kami sa paglalalad.

"Salamat Khian the best ka talaga" Saad pa niya bago bumitaw ng yakap.

"Nako wala yun, ikaw naman ang lakas mo sakin eh haaaha" Biro ko napatawa naman siya.

"Ikaw ang malakas sakin" Bulong niya kaya diko masyadong narinig.

"Ano yun pre? " Tanong ko sa binulong niya.

"Ahmmm wala, malapit naba tayo" Sabi niya. Tumango naman ako.

"Oum, malapit na tayo, basta mamaya ahh, libre moko hehe" Saad kopa.

"Oo naman ikaw pa ohh siya andito na tayo, kita tayu ulitmamayang gabi,hintayin moko. " Saad pa niya sabay yakap na naman sakin. Ewan ko parang comforter na ako sa ginagawa niyang yakap.

"Oo sige, hihintayin kita sige na baka may gagawin kapa, bye pre" Saad ko.

"Sige Khian bye na" Saad niya rin bago umalis.

"Buti naman at nag usap na kayu ng  Jericho nayun anak, kaya ang saya niya dahil nakausal ka ulit niya" Biglang sulpot ni mama kaya nagulat naman ako.

"Ikaw ma ahh, nangugulat ka naman. Oo nga eh ang saya lang pagmasdan ang mukha niya na dahil sakin masaya siya" Saad kopa.

"Sus, dimo ata alam ano? " Saad pa niya. Nagtaka naman ako.

"Na ano ma? " Taka kung tanong sa kanya.

"Ayy dimo pa pala alam anak, mas maganda na siya mismo ang magsabi. Hali kana pasok na tayo sa loob, maambon pa naman." Saad niya bago naunang pumasok sa loob.

Kaya naiwan akong may tanong. Ano ba kasi yun bat di nalang sinabi ni mama, bat kailangan pang si Jericho ang magsabi. May alam ba sila na diko alam?

Hyst bahala na komprontahin ko nalang siya mamayang gabi. Tama para di ako mag iiisip ng kung ano patungkol sa kanya.

OPEN FOR CRITICISM

A/N: AHMMM NAHAHALATA KA JERICHO HUTA KA HAHAHA. GOOD LUCK SA FISHBALL AT KWEKWEK SANA MABUSOG KA MUAHH

Pregnant by Mr. Chua [BXB] [M-PREG] |✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon