CHAPTER 34

2.3K 111 11
                                    

[⚠️Grammatical errors ahead⚠️]

Vlad's POV.

"Lo.. " Tawag ko agad pagkarating ko sa pwesto niya. Andito kasi siya sa sala habang nakaupo sa sofa.

"So, where is he? " Tanong  pa niya.

"Nasa kwarto, nagpapahinga, napagod yun kaka ikot sa bahay" Sagot ko naman.

Lingon lingon naman ako sa paligid baka andito si Derick.

"Don't be, wala si Derick kung yan ang inaalala mo, nasa trabaho siya, at kung wala man siya sa trabaho diko parin siya isasama lalo nat baliw din yun kay Khian." Saad pa ni lolo. Alam niya talaga ang nasa isip ko.

"So, magpapaliwanag kaba sakin? " Saad pa niya.

"Ahmmm yung totoo lo, ahmmm ano—"

"Buntis siya? " Putol niya sa sasabihin ko. Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"P-Pano niyo nalaman? " Taka kung tanong dito.

"Alam kona ang lahat iho, kaya wala kanang maitatago sakin. Pinuntahan namin mismo ang tinuturing pamilya ni Khian" Saad niya. Kaya nagtaka naman ako sa sinabi niyang Tinuturing pamilya.

"Anong ibig niyong sabihin lo? Sinong tinuturing niyang pamilya ang sinasabi niyo lo? " Di parin mawala sa akin ang pagtataka habang tinatanong ko siya.

"His mother, ang tinuturing niyang mama, ay di niya talaga totoong ina Vlad" Amin niya.

"P-Pero paano nangyari yun? Kung di siya totoong ina ni Khian sino? " Saad kopa.

"He's one of Hidalgo's heir. Oo apo siya nalang ang natitirang tagapagmana sa pamilya nila. Nung una di kami makapaniwala na buhay pa ang batang yun, si Selvester" Saad pa niya. Pero sino naman itong Selvester

"Sino naman itong Selvester lo? " Tanong kopa.

"Ai Selvester Hidalgo at Khian Montemayor ay iisa lamang iho? Ang Khian na kilala mo ay isa sa pinakamayaman sa buong Asya" Nagulat naman ako sa sinabing yun ni lolo. Di ko akalin na ganon siya kayaman.

"P-Pero paano siya napunta sa tinuturing niyang pamilya? Saan na ang totoo niyang mga magulang? "

"Wala na sila, namatay sila dahil din sa kapamilya nila. Pauwi na sila sa araw ding yun. Isang taon palang si Selvester o si Khian na mangyari ang trahidyang yun. Ambush ang nangyari sa kanila. Habang nakikipag away ang ama niya. Ay tumakbo naman ang papa nito para kahit papano ang maging ligtas sila. Kaso habang tumatakbo si Nick. Yung papa niya. Ay natamaan ito ng putok ng baril. Pero di hadlang sa kanya ang sakit na narardaman bagkos nagpatuloy ito sa pagtakbo. Pero unti unti narin siyang nanghina kaya may naisip siyang paraan para maligtas lang ang ank nila.

Inilagay niya sa basurahan si Khian nung may nakita siyang babaeng paparating sa lugar nayun. Pagkatapos niyang mailagay sa basurahan si Khian dali-dali siyang  tumakbo dahil hinahabol pa siya ng mga tauhan na papatay sa kanya.

Nakaligtas siya, at nadala pa siya sa hospital pero nawalan din ng buhay. Apo, kaya, kaya niyang magdadalang tao dahil ganon din ang papa niya.

Kaya pinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko ang batang yun para kahit yun lang makabawi ako sa kasalanan ko kay Austine, ang lolo ni Khian" Kwento niya. Wala akong ibang narardaman kundi lungkot  dahil ganon pala ang sinapit ng mga magulang niya. Na kahit siya mismo di niya alam.

"Kung ganon kaya kayu nagsikap na mahanap siya para makabawi sa lolo niya? Anong kasalanan ba ang nagawa niyo sa Lolo niya Lo? " Tanong ko dito. Di agad siya makasagot pero may bahid na lungkot sa mukha niya.

"Naging magkasintahan kami ni Austine noon, ang lolo niya. Pero dahil mali sa mata ng mga magulang namin. Gumawa sila ng paraan para mapaghiwalay kami.

Pinakasal kami sa babaeng di namin mahal, pero kahit ganon di parin mawawala ang pagmamahal ko sa kanya hanggang sa pinadala ako sa America para doon na manirahan. Di ako nakapag paalam sa kanya nung araw nayun. Hanggang sa nalaman ko nalang na may anak na siya. At yun ang Ama ni Khian. Hindi lang isa ang anak nila, kundi dalawa.

Nasaktan ako nung nalaman ko yun, oo nagkaanak din kami ng Lola mo ngunit pinilit lang kami ng Papa. Hanggang sa nalaman ko nalang na galit siya sakin, dahil di raw ako nagpapaalam na aalis ako. Kaya ginawa ko ito para makabawi man lang sa kanya. Pero may sinabi siya sakin nung nagkita kami. Sa araw ding yun may selebrasyon. Birthday niya ata yun. Nagkita kami at pumunta kami sa may lugar kung saan kami lang dalawa.

Sinabi niya sakin lahat ang galit niya nung umalis ako. Galit na galit siya sa panahon nayun. Hanggang sa sinabi niya sakin na para makabawi ako dapat ipapakasal ko sa unang apo niya at unang apo ko. Tinggap ko yun dahil gusto kung maging okay na kami. Isa pa may pamilya narin kami. Hanggang sa nabalitaan ko nalang na wala na siya. Namatay siya dahil sa sakit sa puso." Patuloy niya sa pagkwento. Pero may bahid parin na lungkot habang kinukwento niya ang nakaraan nila.

"K-Kung ganon, may relasyon kayu sa lolo ni Khian? Kaya ba okay lang sa inyo na magkakagusto kami sa lalaki dahil tulad niyo naiintindihan niyo ang sitwasyon namin" Saad ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Dahil alam na natin kung sino si Selvester, na itinakdang ipakasal sayo. Kaya sa lalong madaling panahon kailangan mo siyang pakasalan Vlad apo. Dahil ikaw lang ang kayang magpoprotekta sa kanya. Dahil alam kung hinahanap narin siya ng pamilyang nagpapatay rin sa magulang niya." Saad ni lolo.

"Kung ganon alam niyo ba kung sino ang mga yun lo? " Tanong kopa.

"Oo ang pinsan ni Austine. Siya lang naman ang gahaman sa pera, kaya gagawin niya ang lahat makuha lang ang yaman ng pamilya ni Austine. Kaya itinadhana kayung ipakasal dahil ikaw lang ang kayang protektahan ang tagapagmana ng pamilya Hidalgo. Apo wag mo sana akong bibiguin" Saad pa ni Lolo.

"Wag po kayung mag aalala lo, sisiguraduhin ko pong di siya mapapahamak  lalo nat magkakaroon na kami ng anak. Subukan lang nilang saktan ang mahal ko, matitikman nila ang hinahanap nila." Seryuso kung ani dito.

"Sa sususnod na linggo lilipad tayo papuntang states para doon idaraos ang kasal niyo ni Khian. Maghanda ka apo, at isa pa, wag mo monang sasabibin kay Khian ang totoo, dahil yun lang ang paraan para malayo siya sa kapahamakan naiintindihan mo? "

"Opo lo, makakaasa po kayu, isa pa nasa poder kona siya, walang sino man ang subukang saktan siya. Dahil kung hindi, malalagot sila sakin" Saad kopa.

************************************************************

Someone's POV.

"No, no,NO!! Paano nagyari yun? Diba sabi niyo patay na ang anak nila, bakit sinasabi niyo buhay pa ito? " Galit kung ani sa mga tauhan kung inutusan kung patayin ang pamilyang yun. Dahil sagabal lang sila sa mga plano ko. Para mawala narin ang kahati ng yaman ng Hidalgo.

"Madam patay na nga ang mag asawa ngunit ang anak nila, buhay papo" Saad ng isa kung tauhan kaya agad ko siyang tinutukan ng baril sabay pinotok sa kanya kaya nakahandusay siyang duguan.

"Ang laki ng binayad ko sa inyo pero palpak parin? Gawan niyo ng paraan para mapatay ang anak ng mag asawang yun. Baka siya ang magiging sanhi ng diko pag angkin ng yaman ng pamilya Hidalgo.

Oras na makuha kona ang yaman mo Austine, wala ng makakapigil pa sa akin, hahahahahahaha

Don't forget to vote!!!

A/N: Nagpaparamdam na ang kontrabida hahaha

Pregnant by Mr. Chua [BXB] [M-PREG] |✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon