Chapter 1

50.4K 1.2K 249
                                    

Andra's POV:

"Andra ano? G ka ba mamaya?" Tanong sa'kin ni Angela, best friend ko. andito kami ngayon sa gym nang school dahil lunch break at bawal sa loob ng classroom kumain.

"Ha? Saan? Anong meron?" Sunod sunod na tanong ko habang kumakain ng lunch na baon ko. masyado mahal ang mga bilihin sa Catholic school, kaya naman nagbabaon nalang ako ng pagkain.

Sabi nila kaya daw mahal mga bilihin sa canteen kasi daw private school, kaya mahal. Like, duh!? Anong connect!!

Ewan ko ba kay sister ang mahal ng mga pagkain nila. galing bang langit 'yon...

"Si Maddy yung maganda sa ABM na may gusto sayo, diba rich kid yon? Ayon nagpapa-party sa bahay nila. Umalis daw mga magulang kaya nagpapa house party. invited tayo" sagot naman ni Angela habang may laman na pagkain ang bibig.

Napailing-iling ako dahil halos tumalsik na sa mukha ko yung kinakain niya. Kadiri!

"Ano naman ang gagawin natin don? e diba sabi mo ABM student yon, e STEM tayo. ano, bida bida lang?" Si Margaux. Umiral nanaman pagka introvert nitong isang 'to.

"Ano ka ba, Margaux-gox. invited nga tayo diba! at tyaka, tayo lang naman ang ininvite sa strand natin e at--" magsasalita pa sana si Angela ng putulin ito ni Margaux--

"Alam naman natin na si Andra lang talaga ang dapat invited. sabit lang tayo." Napabuntong hininga bago napailing nalang ako sa sinabi nya.

hanggang ngayon ata ay may galit parin sa'kin ang isang 'to. Dahil sa nalaman nya na may gusto sa'kin si Maddy na matagal napala niyang gusto. Sinabi ko naman sakanya na hindi ko gusto si Maddy dahil straight ako. pero ayaw nyang maniwala at hindi ko na kasalanan 'yon.

"Here we go again. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo, Margaux? Hindi.ko.gusto.si maddy. Sayong sayo na siya. at isa pa, wala akong balak sumama. pinapauwi ako ng maaga ni nanay at tatay dahil may dadating daw na bisita sa bahay mamaya.

Tiningnan ko si Margaux bago ipinagpatuloy ang pagkain sa baon ko.

"Sino daw?" Si Angela.

"Malay ko, walang sinabi e. basta umuwi lang daw ako ng maaga."

Tumango lang si Angela habang tahimik na kumakain si Margaux sa tapat ko.

1:00pm na at 1:30pm ang first class namin sa hapon. niyaya ko na yung dalawa sa cr ng school para mag-ayos at makapag toothbrush narin.

Madadaanan namin 'yong building para sa mga ABM, kaya malayo palang ay nakikita ko na si Maddy. Nakaupo ito sa labas ng classroom nila kasama ang mga kaibigan nito. Nakita ako ng isa sa kaibigan nya at dali-daling lumapit kay Maddy para bumulong. Kaagad nagtama ang mga mata namin ng lumingon ito sa gawi ko.
Malawak itong ngumiti bago dali-daling lumapit sa'min na patuloy parin na naglalakad papunta sa building ng strand namin.

"There you are, baby." Malawak itong ngumiti. Napatingin naman ako sa kamay nito na nakakapit na sa kanang braso ko.

"pinuntahan kita sa classroom mo kanina pero sabi ni kyla nasa canteen pa kayo. pupuntahan sana kita pero buti nalang nakita na kita" nakangiti nitong sabi sa'kin at mas lalo pang inilapit ang katawan. Napangiwi ako pero hindi ko pinahalata.

Maddy Caroline Gutierrez. Isa sa pinaka mayaman na estudyante dito sa school. Ang alam ko ay Mayor ang Daddy nya sa Probinsya at marami silang mga ari-arian. Highschool palang ay kinukulit na niya ako. Hindi ko nalang sineseryoso ang pangungulit niya dahil wala rin naman akong pakealaman. Tulad nga ng sinabi ko, straight ako at wala akong balak makipag relasyon. Babae man o lalake.

"Punta ka later ah. Gusto mo sunduin kita?" Umiling ako at tipid na ngumiti.

"Maddy, sorry. I can't--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita ulit siya--

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon