Chapter 28

24.3K 923 1.2K
                                    

Andra's POV:

Kakatapos lang ng second subject namin sa umaga at ngayon ay lunch break na. Paniguradong mag-isa nanaman akong kakain sa cafeteria dahil alam ko na pilit akong iniiwasan ni Angela.

Alam ko na may kinalaman yun sa nangyari sa cafeteria nung nakasabay namin si Anastasia. Simula kasi nun ay ramdam ko na iniiwasan na ako ni Angela.

Tinatanong ko siya pero ngingiti lang siya sa akin at magsasabi ng
"sorry Andra" hanggang sa paulit ulit niya nalang yun sinasabi sa tuwing lalapitan ko siya.

Hindi ako pumupunta sa opisina ni Anastasia kahit pilit niya akong hinihila papunta don. Hanggang ngayon kase bwesit parin ako sakanya dahil kahit anong pilit ko sakanya na umamin ay hindi siya umaamin.

Dalawang linggo na rin simula nung nangyari yung sa opisina niya. Pupunta siya sa bahay kahit na hindi ko siya pinapasin at uuwi kinabukasan. Hihilahin niya ako sa office niya at hahayaan nalang umalis kapag ayoko talagang mag stay sa opisina niya. Ganun ang naging routine namin sa loob ng two weeks.

Alam ko. Alam ko na may nangyayari hindi ko lang matanggap sa sarili ko yung mga naiisip ko dahil ayokong paniwalaan yun.

Palagi ko nalang sinasabi sa tuwing maiisip ko yun na mahal ako ni Anastasia. Hindi niya ako kayang lokohin.

"Hi Isabel, can I join you?" Naputol ang pag-iisip ko nang marinig kong nagsalita si Prof Gonzalez.

Simula nung iniiwasan ako ni Angela sa hindi ko malamang dahilan ay si prof Gonzalez ang paminsan minsan kong nakaka sabay sa pagkain sa cafeteria.

Mabait si Prof Gonzalez. Palagi niya akong kinakamusta kung okay lang ba raw ako at kung may problema daw ako ay pweding pwede ako magsabi sakanya.

Ngumiti naman ako sakanya bago tumango-

"Hindi nanaman kayo sabay ni Miss Varez" hindi yon tanong. Napatingin ako sa may likod niya kung nasaan si Angela kasama yung mga taga ABM-1.
Napangiti nalang ako ng mapait nang magtama ang tingin namin pero kaagad siyang umiwas.

"Yes prof" tumingin ako kay prof Gonzalez na nakatingin narin pala kay Angela.

Ngumiti lang ito nung humarap sa akin bago pinagpatuloy ang pag aayos ng pagkain niya.

"Here, try this Isabel. Ako nagluto niyan" napataas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Marunong pala siyang magluto? Hindi halata.

"Marunong po kayong magluto prof?" Tanong ko sakanya habang siya naman ay nilalagyan na ng pagkain ang plate ko.

"Of course" natatawa-tawa pa ito, siguro ay hindi makapaniwala sa tanong ko-"I'm a strong independent woman Isabel"

Tumango nalang ako habang nakatingin sa mga pagkain. Hindi yun Filipino food dahil iba ang itsura. Nagkibit balikat nalang ako at kumakain.

"Hmm, ang sarap prof" napatango-tango pa ako habang nginunguya yung pagkain na binigay niya. Totoo ang sarap grabe. I heard her giggle kaya napatingin ako sakanya.

"Ang cute mo Isabel, para kang baby" tinuro niya pa yung right cheek ko na puno ng pagkain. Natawa nalang kaming dalawa at pinagpatuloy ang pagkain.

"Isabel?" Napaangat ang tingin ko kay prof Gonzalez ng tawagin niya ako- "just call me eli kapag tayo lang dalawa, masyadong mahaba ang prof Gonzalez" nakangiting sabi nito sa akin.

"Nakakahiya naman po-" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya.

"And also, please remove that "po" 21 palang ako Isabel" natatawang sabi niya. Nagulat naman ako sa nalaman tungkol sakanya 21? Ang bata niya pa.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon