Chapter 48 (2)

22.8K 646 262
                                    

Anastasia's POV;

"I found her. Nasa province siya, and she's with... she's with Gonzalez"

Ang masaya kong ekspresyon ay napalitan ng isang malamig na tingin kay Lauren.

I was hurt. I'm hurting.

"But wait, you need to know something--" pinutol ni Lauren ang sasabihin niya, tumingin ito sa may pinto bago dali-daling naglakad papunta sa may pinto at ni-lock.

Nasa hospital parin ako hanggang ngayon, mag-iisang linggo na ako dito.

Pauwi na ako sa condo galing sa bahay nang mga Zobél, ng may biglang matigas na bagay na tumama sa likod ko.

Nawalan ako ng malay at nagising nalang na nandito na sa hospital. May nakakita sa'kin na dugoan malapit sa sasakyan ko, At dinala dito.

Nasira yung mga CCTV sa lugar na'yon kaya wala kaming idea kung sino ang gumawa sa'kin non.

Wala naman na akong pakealaman, ang mahalaga mahanap ko na siya.

It's been what? 7? 8 months? Ganun na katagal siyang nawawala.

Halos lahat na ginawa na namin. Pero wala parin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, parang anytime mababaliw na ako.

Iniisip ko araw-araw kung ayos lang ba siya? Kumakain ba siya? Baka pinaghihirapan siya...

O baka wala na siya? Umaasa nalang kami sa Wala.

No. Hindi ko kaya. Ikamamatay ko kapag nawala Siya.

"She is in the province, Atasia. But you really need to know this information. Kaya pala nahihirapan tayo na hanapin siya, dahil may nakakaalam sa mga plano natin.."

Kaagad napakunot ang noo ko at inisip kong sino ang hayop na'yon.

Papatayin ko siya.

"Who?" Tanong ko sa kaibigan ko.

"Si Gonzalez."

I knew it. Fuck. Sinasabi ko na nga ba
e.

"Putangina. Sinasabi ko na nga ba, I knew it from the very beginning. Kaya masyadong dikit yan kay Conrad. Baliw ang babaeng yon."

Kaya pala sa tuwing may nakukuha kaming information kung saan napadaan yung sasakyan niya, bigla nalang mawawala, at sasabihin na namali lang.

Yung mga kinikilos niya kapag may mga hints na kami. Kunwari nakikipag tulungan yun naman pala...

"Calm down. Yes siya nga. And sure rin ako na siya ang may gawa niyan sayo. Kinidnap niya si Andra at dinala sa isang maliit na probinsya. Kaya pala nahihirapan tayong hanapin siya, dahil pa iba-iba sila ng lugar."

Pagkikwento ni Lauren. Nakikinig lang ako sa mga pinagsasasabi niya pero deep inside gusto ko ng patayin si Gonzalez.

"Pina background check ko si Gonzalez. I found out na hindi siya licensed teacher before--"

I stopped her from speaking.

"What? What do you mean?"

Napairap naman ito bago pinagpatuloy ang pagsasalita.

"can you let me finish first?" Mataray na sabi nito.

Tumango nalang ako bago sumandal sa inuupuan ko.

"Yes. Hindi siya licensed teacher, fake yung licensed niya. Nagpanggap siya because of Andra... Anastasia, si Andra and Gonzalez... Matagal na silang magkakilala"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Para akong na blangko, matagal na silang magkakilala? Pero bakit hindi sinabi ni Andra?

"They are are childhood friends."

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon