Atasia Elize

23.1K 726 213
                                    

Anastasia's POV: short story of young anastasia.

Late na akong nagising. Wednesday ngayon at 2 days nalang ang kailangan namin e practice para sa nalalapit na prom night.

Grade 10 and grade 12 students lang kasi ang pinasali sa prom, grade 9 palang kami nila Lauren,Genie and Asianna ay gustong gusto nanamin sumali sa mga ganito.

Wala pa si Lauren dahil bukas pa ang dating niya galing Amsterdam. Si Genie and Asianna naman ay paniguradong nasa room na namin dahil 8:00 am narin.

Lakad-takbo ang ginagawa ko para lang makarating na ako sa classroom, ngumingiti nalang ako sa mga kapwa ko students na bumabati sa akin habang naglalakad ako papunta sa classroom.

"Finally Atasia, ang tagal mo" si Genie na nakaupo sa taas ng armchair. Naglakad na ako papunta sa tabi niya dahil dun ang upuan ko- "kanina kapa hinahanap sa gym, ang tagal daw ng president ng student council" natawa nalang ako habang naglalakad papunta sa chair ko.

Kaagad kong binaba ang bag ko at nagpaalam sa dalawa na pupunta muna ako sa gym. Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa gymnasium ay may naramdaman akong sumusunod sa akin, napalingon ako at laking gulat ng may biglang humalik sa pisnge ko-

"Shit- migo anoba"inis na singhal ko sa lalaking humalik sa pisnge ko. Napatingin ako ako at napairap nalang sa isip sa nakita

it's Migo. my boyfriend.

Miguel Oli Salazar a Grade 12 student. siya ang president sa batch nila at siya rin ang nagiisang anak ng may ari nitong school. Nakilala ko siya sa office ng student council, wala naman talaga akong gusto sakanya at pilit niya lang akong kinukulit noon hanggang sa sinagot ko nalang siya para tumigil na.

"Masyado kang magugulatin babe, where are you going ba?" Tanong niya habang ang kamay niya ay nasa waist ko, tumingin ako sa paligid dahil baka may makakita sa amin pero thankfully wala naman.

"Gym" maikling sagot ko at aalisin na sana ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko pero mas lalo niya lang yun hinigpitan.

"Migo wait- pupunta pa ako sa gym" pilit ko na inaalis ang pagkakakapit niya sa wrist ko dahil hinihila niya ako papasok sa isang sirang classroom.

"five minutes babe" ngumiti ito sa akin habang tuloy parin sa paghila. Napairap nalang ako at nagbaubaya nalang sa paghila niya.

"Here" turo niya sa isang bouquet of flowers na nakapatong sa may sirang upuan at meron pang banner na nakalagay sa my white board na ang nakalagay ay will you be my prom date.

"Anastasia?" Tawag pansin sa akin ni migo dahil nakatingin lang ako sa paligid, feeling ko kase hindi lang kami ang tao dito.

"Hmm?" Umiling-iling naman ito at naglakad papunta sa bangko kung nasaan yung bulaklak.

"For you baby" iniabot niya sa akin yung bulaklak. Tiningnan ko lang yun bago nagpasalamat.

Akala ko ay tapos na pero kinabahan ako ng nagsimula siyang lumapit sa akin. Napaatras naman ako habang nakakunot noo at hawak hawak parin yung bouquet of flowers na binigay niya.

"Migo, what are you doing?" Kinakabahan na talaga ako pero hindi ko lang pinapahalata at nagtatapang- tapangan lang ako sa harapan niya dahil palapit na siya ng palapit sa akin habang ako naman ay paatras ng paatras.

"Where's my kiss baby?" Tanong niya habang dahan-dahang lumalapit sa akin.

Tumama na ang likod ko sa may sirang table dahil wala na akong maatrasan. Ibinalik ko ang tingin ko kay Migo na ngayon ay nakangisi na sa harapan ko-

"Come on Atasia, 1 year na tayo. Yakap lang nga ang nagagawa ko sayo...pilit pa." Ngumiti ito at itinaas ang kanang kamay para hawiin yung buhok kong tumatabon sa mukha ko.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon