Chapter 19

27.2K 903 567
                                    

Andra's POV:

Friday ngayon at nandito nanaman kami sa gymnasium.

kakaalis ko lang sa office ni Anastasia dito sa school dahil pinatawag nanaman niya ako, gusto daw niya makipag cuddle kasi maulan. Scam

Nagpagawa pa nga ang baliw ng kwarto sa office niya para daw pwede kaming matulog dun kapag pupunta siya dito.

Kami lang dalawa ni Angela ang magkasama ngayon dahil may pinuntahan si Margaux.

Speaking of Margaux napapansin kung madalas na siyang nagiging mainitin ang ulo lalo na sa'kin. Hinahayaan ko nalang dahil baka may problema lang siya sa pamilya niya ganun naman talaga si Margaux kahit noon pa mas lumala nga lang ngayon.

Nagkekwentohan kami ni Angela habang nakaupo sa bleacher dito sa gym nang may maramdaman akong nakatayo sa may likod ko. Napatingin din si Angela dun at kaagad sumama ang mukha nito.

Tumingin ako sa likod ko at nakita kung nakatayo si Ryan habang may hawak na bulaklak. Ilang araw niya na akong sinusundan at kinukulit na patawarin ko na siya.

Ayoko nga pagkatapos niya akong bastusin sa room nila.

"Andra-" naputol ang sasabihin ni Ryan ng tumayo si Angela at pumunta sa likod ko.

"Umalis kana gago ka, ayaw ka niyang makausap" seryoso at galit na sabi ni Angela kay Ryan.

Sinabi ko kasi sakanya yung ginawa sa'kin ni Ryan kaya galit na galit ito at pinuntahan pa sa building nila.

"Gusto ko lang makausap si andr-"

"Tanga kaba? Ayaw ka nga makausap diba" medjo napalakas yung boses ni Angela kaya may mga studyanteng napatingin sa gawi namin.

Kaagad ko namang hinawakan ang dulo ng t-shirt ni Angela dahil nakatayo siya sa harap ko habang nakaupo parin ako sa bleacher.

Hindi naman siya pinakinggan ni Ryan at tumingin lang ito sa'kin. Nagtama ang tingin namin kaya kaagad akong umiwas at tumayo na hihilahin ko na sana si Angela paalis sa gymnasium ng magsalita ulit si Ryan sa harap namin.

"Please Andra I'm sorry... I'm sorry talaga pinagsisisihan ko yun" yumuko siya pero kaagad ding umangat ang ulo para ibigay sa'kin yung bulaklak "patawarin mo lang ako at kunin to, promise hindi na kita gugulohin."

Tiningnan ko lang siya bago tumango at kinuha yung bulaklak para sa ganun layuan niya na ako. Napangiti naman ito dahil kinuha ko yung bulaklak.

"Sige na Ryan una na kami, sana tuparin mo yang sinabe mo" hindi kuna hinintay ang sagot niya at kaagad kunang hinila si Angela pabalik sa classroom.

Nang may madaanan akong basurahan tiningnan ko muna yung bulaklak bago itapon. Baka makita pa ni Anastasia yun at magalit.

Nasa classroom na kami dahil may meeting para sa gaganapin na Prom. Naabutan namin ni Angela si Margaux na nakakunot noo itong nakatingin sa cellphone habang nagtatype na parang galit.

Nagulat pa kami ni Angela ng itapon ni Margaux ang cellphone niya sa likod bago tumayo at Umalis sa classroom. Tiningnan ko yung phone niya na basag na at siguradong hindi na gumagana dahil sa lakas ng pagkakabato niya.

"Anong nangyari dun?" Tanong ko kay Angela.

"Hindi na siguro nirereplyan nung sugar mommy niya" natatawang bulong sa'kin ni Angela bago tuluyan kaming pumunta sa upuan namin.

Ang weird ni Margaux lately.

"Hayaan muna yon, paniguradong ghinost na siya nung palagi niyang kausap."

"May girlfriend na si Margaux?" Tanong ko kay Angela, siya lang kasi ang palaging kasama nito kapag wala ako kaya siya ang nakakaalam ng mga nangyayari kay Margaux.

"Ang alam ko hindi girlfriend, hmm parang friends... With benefits ganun. One time kasi nakita ko siyang sinundo nung babae sa may waiting shed diyan malapit sa may bilihan ng fishball big-time teh naka sports car"

Nakikinig lang ako sakanya at tumango-tango.

"Nagmukhaan moba yung babae?" Curious kung tanong.

"Hindi e pero matangkad tapos maputi, naka business attire panga e kaya feeling ko bigatin. Tapos alam moba narinig ko silang naguusap sa phone ang saya nga ni Margaux e narinig kung tinawag niyang Sia yung kausap niya" sabi ni Angela habang nag e scroll sa IG niyan.

Napatango-tango nalang ako at nilabas ang phone ko sa bulsa ng skirt ko.

Napakunot noo ako dahil naiisip ko si Margaux at yung pagbabago niya, kung sino man yung babaeng dahilan kung bakit siya lumalayo sa'min lagot talaga sa'kin yun.

Mabilis lang ang naging meeting, lahat kami ay excited sa paparating na prom dahil pinaghandaan masyado nila sister ang ganda ng theme masquerade ball.

5:30pm na at sobrang lakas parin ng ulan sa labas hinihintay ko si manong dahil paniguradong na stock nanaman yun dahil sa baha. hindi ako masusundo ni Anastasia ngayon dahil may meeting padaw siya sa kompanya niya.

Habang naghihintay ay may naramdaman akong nakatingin sa may likod ko, kokonti nalang ang mga studyante dito ngayon dahil nasundo na ang iba.

Lumingon ako sa kung saan feeling ko ay may nakatingin sa'kin, kaagad napakunot ang noo ko ng makita ko si Ryan na nakatingin sa'kin habang nakaupo dun sa may gilid ng hagdan.

Ngumiti ito sa'kin at tinanguan ko lang bago binalik ang tingin ko sa harap ko. Ang lakas parin talaga ng ulan.

Nagiging uncomfortable na'ko sa kinatatayuan ko dahil sa mga tingin niyang nararamdaman ko kanina pa.

Hinayaan ko nalang yun at tiningnan ang phone ko, 6pm na at dumidilim na sa labas dahil sa lakas ng ulan.

Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko-

"Andra hatid na kita" tumingin ako kay Ryan na nasa gilid kuna habang nakangiti ito sa'kin.

Tiningnan ko ang labas bago ibinalik ang tingin sakanya at umiling-iling.

"Hindi na Ryan hihintayin ko nalang si manong baka mataas pa ang baha, thank you nalang" ngumiti ako dito ng tipid bago ibinalik ang tingin sa harap ko.

"Sige na Andra, gabi na mamaya lang magsasara na ang gate-" naputol ang sasabihin niya dahil kay manong guard na papalapit na sa'min.

"Wala paba ang sundo niyo? Kayo nalang dalawa ang nandito sa school. umuwi na kayo dahil may bagyo na paparating" si manong guard

Napatingin ako kay Ryan na nakatingin rin pala sa'kin. Malapit ng mag 7 at wala parin si manong, napabalik lang ako sa wisyo ng magsalita ulit si Ryan.

"Let's go andra?" Tumingin ako sa paligid at kami nalang tatlo ang nandito, umalis narin si manong guard para magpatay ng ilaw at tingnan kung may mga students pang nasa loob ng building.

Napabuntong hininga nalang ako at tumango kay Ryan, kaagad sumilay ang ngiti nito sa pagtango ko. Kinuha niya yung dala niyang payong at binuksan.

Maliit lang yun at pangdalawahan lang kaya nabasa kami, papunta na kami sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan niya. Naramdaman kung hinawakan niya ang bewang ko dahilan para mas lalo pang malapit ang katawan ko sakanya.

"Ryan" saway ko sakanya dahil pinisil niya ang bewang ko, hindi niya ako pinansin kaya mas lalo akong kinabahan.

Nasa tapat na kami ng sasakyan at bubuksan na sana niya yung pinto ng shotgun seat ng may malakas na bumusina sa likod ko.

Napatingin kami ni Ryan dun habang ang kamay niya ay nasa bewang ko padin.

Lumabas ang driver nung sports car at nagulat ako kung sino yun-

"Aalisin mo yang kamay mo sa waist niya o gusto mong putulin ko yan."

-----------------------------------------------------------
A/N: kung ano man naiisip niyo opo yes po, pero secret muna para masaya tayong lahat HAHAHAHA.

Mamaya na ulit yung dalawa HAHAHA

❤️

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon