Chapter 27

23.5K 844 466
                                    

Andra's POV:

Tahimik lang kaming dalawa ni Anastasia na nakaupo dito sa loob ng office niya. wala kahit isang nagtatangkang magsalita dahil sa nangyari sa cafeteria kanina.

"Love" tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinapasin, hindi kasi mawala sa isip ko yung mga nangyari kanina.

Hindi ko na alam pero may iba talaga, kilala ko si Angela makulit siya at madaldal pero hindi siya sinungaling na tao.

Kaya hanggang ngayon pilit ko paring iniisip yung mga sinabi niya kanina sa cafeteria nung dumating si Anastasia-

"She doesn't need that"

Napa angat ang tingin ko kay Anastasia na nasa gilid ko na pala, nagulat pa ako ng pabagsak niyang binaba ang hawak niyang paper bag sa ibabaw ng table.

"Lov- Anastasia" sabi ko sabay tayo, napatingin ako sa mga kasama ko na nakatingin na pala kay Anastasia.

Si Angela ay pabalik balik lang ang tingin sa amin ni Anastasia habang nakakunot noo, si prof Gonzalez naman ay nakataas ang dalawang kilay na nakatingin kay Anastasia.

"So it's ANASTASIA Now huh?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong sa akin. Kaagad akong kinabahan dahil baka mag tantrums siya dito.

Ang intimidating kasi tingnan ni Anastasia. Ang sama ng tingin niya kay prof Gonzalez na nasa tabi ko kanina pa. habang si prof naman ay chill lang at enjoy na enjoy sa kinakain niya.

Ako pa yung mas kinakabahan kesa sakanya e.

"Ahm-ah lo-love, anong ginawa m-mo dito? Diba may meeting ka?" Utal-utal na sabi ko kay Anastasia.

Seryosong nakatingin lang ito kay prof Gonzalez kanina, tumingin lang ito sa akin nung tinanong ko siya-

Nanginginig na ang kamay ko dahil ang sama na nang tingin na binibigay niya sa akin. Napaiwas ako kaya mas lalo pa itong nagalit.

"oh you forgot already, I'm the owner and president of this school LOVE" diniinan niya pa talaga yung pag kakasabi sa love kaya napapikit na ang isa kung mata.

"Ahh haha oo nga no" parang tanga andra- "si-sige upo na tayo?" Inirapan niya lang ako at siya na ang na unang umupo sa tabi ni Angela.

"Miss Varez, sit beside...whoever that woman is. I want my baby here beside me." Nakahalukipkip na utos ni Anastasia. Napa facepalm nalang ako dahil sa inaasta niya para siyang bata.

"Can you stop staring at her like that" bulong ko kay Anastasia, nakatingin kasi siya kay prof Gonzalez habang si prof naman ay nakikipag usap kay Angela, nasa tabi ko siya dahil pinaalis niya si Angela at pinalipat sa inuupuan ko kanina sa katabi ni prof Gonzalez-

"So kayo na?"

Parehas kaming napatingin ni Anastasia kay Angela ng bigla itong magsalita.

"Ahmm ye-" pinutol ni Anastasia ang sasabihin ko nang siya na mismo ang sumagot sa tanong ni Angela-

"Yes. Andra is my girlfriend na" proud na sabi ni Anastasia at tumingin pa kay prof Gonzalez bago tumingin sa akin at ngumiti nang malawak.

Nakita ko na napairap si Angela kaya napakunot noo ako sa inasta niya. I looked at professor Gonzalez at nag sorry dahil sa inaasta ni Anastasia ngumiti lang siya at tumango kaya napangiti nalang din ako sakanya.

"Andra" napaigtad ako ng tawagin ako ng baliw na to sa madiin na tono.
Hindi pa nakontento si Anastasia at hinila pa ako palapit sakanya.

Tiningnan ko siya habang nakakunot noo para sana sawayin siya sa pinaggagagawa niya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Pag katapos kay Margaux si Andra naman?" Napatingin kami ni Anastasia pati narin si prof Gonzalez kay Angela ng bigla itong magsalita.

Nakataas ang isang kilay ni Angela habang nakatingin kay Anastasia ilang sigundo pa silang nagtitigan bago ibaba ni Angela ang tingin niya sa kinakain niya.

Nakangisi itong umiiling-iling habang nginunguya niya ang pagkain sa bibig niya alam ko na may iba sa ngisi niya-

"Unbelievable" Angela mumbled.

"What are you trying to say Angela?" I looked at Anastasia na seryosong nakatingin kay Angela bago ko ibinalik ang tingin ko sa kaibigan ko.

"What do you mean by that miss varez-" naputol ang sasabihin ni prof Gonzalez ng biglang tumayo si Anastasia at hinampas ang ibabaw ng table.

Tumingin ito kay Angela gamit ang seryoso niyang mukha.

"Yeah, what do you mean by that miss Varez daughter of Engineer Angelo varez?" May diin ang boses ni Anastasia habang sinasabi yun.

Napatingin ako kay Angela na nakatingin kay Anastasia, sandali pa silang nagtitigan bago umiwas si Angela at umiling-iling.

"Nothing. Kalimutan niyo nalang"

Mag tatanong palang sana ako ng bigla akong hilahin ni Anastasia paalis sa cafeteria-

"Wait- aray anoba masakit" ang higpit kase ng pagkakahawak sa pulsuhan ko ni Anastasia habang hila-hila ako palabas ng cafeteria.

Narinig ko pa ang tawag ni prof Gonzalez pero hindi ko na siya na tiningnan dahil mas lalo pang binilisan ang paghila sa akin ni Anastasia-

Naputol ang pag-iisip ko nang maramdam ko na hinahalikan ako ni Anastasia sa leeg ko.

Tumayo ako at lumipat sa single couch para makalayo sakanya. No. Hindi pwede akong magpadala sa mga pa ganito niya.

"Ano ba talaga ang nangyayari Anastasia?" Seryoso ko na tanong sakanya. Tiningnan ko ito na ngayon ay nakatingin narin sa akin habang nasa malaking couch at ako naman ay nasa maliit- "may hindi kaba sinasabi?"

Umiwas siya ng tingin bago tumayo at pumunta sa likod ng swivel chair niya, nakatingin lang siya sa labas dahil glass wall ang design ng office niya at kitang kita ang mga nagkalat na studyante sa labas.

"Ano? May dapat ba akong malaman?" May halo ng inis ang tono ng boses ko, iba na talaga kase ang pakiramdam ko feeling ko talaga may nangyayari na hindi ko alam.

Na wala akong kaalam alam.

Tumingin siya sa akin, nakita ko ang lungkot at...pagsisisi? Sa mga mata niya.

"I'm giving you chance to say it Anastasia. O baka naman gusto mong sa iba ko pa mala-"

Naputol ang sasabihin ko sakanya dahil bigla itong naglakad papunta sa kinaroroonan ko habang may pumapatak na luha sa mga mata niya.

Nakaupo ako at nagulat ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko humahagolgol siyang nakaluhod kaya napaayos ako ng upo.

Yayakapin ko palang sana siya ng bigla itong magsalita-

"I'm sorry, I'm sorry love I...I made a mistake. I'm sorry"

-----------------------------------------------------------
A/N:. 🥱

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon