Chapter 46

23K 737 387
                                    

Lauren Galvez's POV:

"Atasia... Atasia wake up, lasing ka nanaman" dahan-dahan kong inalis ang mga bote ng alak sa loob ng kwarto ni Anastasia.

Pinuntahan ko siya sa bahay niya dahil hindi nanaman ito pumasok at paniguradong nagpapaka lunod sa alak. and I was right, lunod na lunod nanaman siya sa alak.

Halos dalawang buwan na siyang ganito, Napapabayaan na niya ang negosyo niya pati narin ang sarili niya. and that's because of Andra.

Mag tatatlong buwan nang hindi bumabalik si Andra, lahat na yata ay binayaran na ng pamilya niya pati narin ni Anastasia para lang mahanap ito pero wala parin. Hindi kami naniniwala na naglayas lang siya tulad ng sinasabi nang iba. halos hinalughog na namin ang buong Pilipinas pero wala parin.

Naglabas na ng 100 million na pabuya si Conrad Zobél at 250 million naman kay Anastasia para lang mahanap si Andra pero wala parin.

Naawa na ako sa kaibigan ko, sobrang laki ng pinayat niya dahil sa stress at halos hindi na ito makatulog, inom lang ng inom.

"Bitch get up anoba, magkakasakit ka niyan e" nakahiga na kase ito sa sahig ng kwarto niya. Wala panamang carpet at malamig rin yung tiles.

Kinuha ko ang kamay nito at ipinulupot sa batok ko para buhatin siya papunta sa kama niya. Ang bigat.

Nang maihiga ko na siya sa kama niya ay bigla naman itong nagsalita habang nakapikit ang mata-

"I-iniwan na-nanaman ako.. iniwan niya nanaman ako" napatingin ako dito, nagsimula ng umagos ang mga luha niya kahit nakapikit.

Nasasaktan ako sa nakikita, kapatid na ang turing ko kay anastasia hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. Na nasasaktan.

"Shh rest ka muna, babalik siya" kaagad naman siyang tumigil sa pag-iyak at humiga patagilid.
Narinig ko pa na tinawag niya ang pangalan ni Andra.
kumuha lang ako ng tubig para sana painumin siya pero pagbalik ko ay mahimbing na itong natutulog.

Napabuntong hininga nalang ako bago napatingin sa mga picture frame na nakalagay sa side table. Pictures nila ni Andra.

Konti nalang mapapatunayan ko na, alam ko na tama ang hinala ko na may kinalaman ang Gonzalez na yon. I find her suspicious, walang may alam na sinusundan ko ito ng palihim.

Hindi niya ako madadala sa mga paiyak effect niya sa tuwing pumupunta siya dito at magtatanong kung may update na kay Andra.

Alam kong may kinalaman siya.

Hawak ang picture frame ni Andra at Anastasia, ibinaling ko ang tingin ko sa kaibigan kong mahimbing na natutulog.

I can't afford to see her like this, palaging lasing at walang maayos na tulog. she doesn't deserve this, sinisira niya ang buhay niya and it hurts me--

Ibabalik ko siya sayo, kahit makapatay pa ako maibalik ko lang siya sayo.

~

Andra's POV:

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig dito sa loob ng kwarto.

"Ameliana do you hear yourself? Si Anastasia Goroztiza at ang mga Zobél ang kinakalaban mo. Tinaasan pa lalo ni Goroztiza ang pabuya sa kung sino ang makakapag turo sakanya.
500 Million, MILLION... lahat nagkakagulo na mahanap lang si Andra Zobél para sa 500 million. desperada na ang babaeng yon maibalik lang siya... Kalat narin ang picture niya at pinagkakaguluhan na siya sa lahat ng social media--"

"Goroztiza, Zobél, Goroztiza, Zobél. I don't fucking care..kahit sino pa sila wala akong pakialam. akin siya, kahit umabot pa ng billion ang pabuya ng baliw na yon, hinding-hindi na siya makukuha sa'kin nang kahit sino. Kahit si Goroztiza pa."

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon