Epilogue

28.5K 706 444
                                    

Anastasia Elize Arguelles-Goroztiza
POV:

Mula sa loob ng sasakyan ko, kanina pa ako nakatanaw sa Mansion na pagmamay-ari ng magulang ni daddy.

Napatingin ako sa wrist watch ko, hindi ko namalayan na mahigit isang oras na pala akong nakatunga-nga lang dito.

Napairap nalang ako bago minaneho ang sasakyan ko papasok sa malaking Gate ng Mansyon.

"Elize, what took you so long? Kanina pa kami naghihintay dito." Bungad kaagad sa'kin ni Dad.

Ni hindi pa nga ako nakakapasok sa loob at iyon agad ang salubong niya sa'kin.

That's why I hate this Family.

"Thanks dad.. for the warmmm welcome." Hinabaan ko talaga yung pagkakasabi ko ng "warm" dahil gusto ko siyang asarin.

"You brat-" napatigil siya sa pagsasalita dahil lumabas mula sa dining area si Mommy.

Napataas naman ang isang kilay ko dahil kasama nito ang pangalawang asawa niya, and also my spoiled brat Half sister.

Buti nga cool sila ni Daddy. I mean bahay to ng lolo ko sa father side, tapos nandito ang second fam ni mom.

"Elize, hija. I missed you, Anak" my mom said. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.

"Same here, mom." Bored na sagot ko habang bahagyang nakayuko dahil yakap-yakap niya ako.

"Buti naman at dumating ka. I thought tatakasan mo nanaman kami." Nakangiting sagot nito.

Napairap nalang ako bago bumitaw sakanya at pumasok na sa loob.

Naupo ako sa malaking sofa dito sa living room. Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakaupo ang kapatid ko-

"What?" Mataray na sabi ko dito.

Nakangiting umiling-iling lang ito. Ugh, this brat.

"I hate your smile, kid"

Napasinghap naman ito bago humawak sa dibdib niya at umakto na parang nasasaktan.

"Ouch ate. I'm not a kid. 16 na kaya ako." My sister Amber Arguelles-De Luca said.

This brat is Hella Rich. Like RICH, RICH. I mean mas mayaman sakanila ang mga Goroztiza, pero dang. Only child lang siya ni Ambroise De Luca.  Meaning... You know what I mean.

"Did I ask?" Pagtataray ko sakanya.

"did i say you asked?" Nakangising sagot niya.

Tiningnan ko nalang ito ng masama. Tumawa naman siya bago itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.

Umirap nalang ako at tumingin sa magulang ko na nakaupo na sa mga vacant na sofa.

"Elize... Alam mo naman na kung bakit tayo narito diba?" It's my mom who broke the silence.

Napahilot nalang ako sa nose bridge ko dahil alam ko naman na talaga kung saan patungo ang usapan na ito.

"Nakausap na namin si Caden Zobél. And... his first born, Conrad Zobél will marry you." Damn.

Napabuntong hininga nalang ako. Hito nanaman po kami. Fucking arranged marriage. Pang ilan na ba ito? 4? 7? Pero lahat yon tinatakasan ko lang.

"This time, hindi kana tatakas Elize."

~

"Where the heck are you now, Conrad? Kanina pa ako dito" halos sumigaw na ako sa inis habang kausap ang matandang yon mula sa phone ko.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon