Aria
When would these tears stop shedding?
Marahan kong pinunasan ang aking mga pisnging basang-basa ng luha.Why did I end up being this useless? Sa loob ng isang linggo ay tuluyan ng nagbago ang pananaw ko sa buhay.
Right, ano nga bang inaasahan kong mangyari? I was a payment, given and forgotten.Marahang nililipad ng hangin ang mahaba kong buhok.
I was getting envious of every girl my age having their freedom.Yes, I have the luxury but it came with a cage that I myself don't know how to get out from.
"Aria hija, kailangan mo nang bumalik sa iyong silid."
Mariin akong napapikit bago marahang tumayo mula sa pagkakaupo sa upuan na napapalibutan ng maraming klase ng bulaklak sa hardin ng mansyong kinaroroonan ko sa nakalipas na isang linggo."Manang, hindi ba at araw ng pamamalengke ninyo bukas?" tanong ko kay Manang Fe habang naglalakad kami papunta sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwarto ko.
Ilang minuto pa siyang natahimik bago malalim na bumuntong-hininga,
"Susubukan kong ipagpaalam ulit hija"Hindi ko pa man nasasabi ang gustong sabihin, yet she already knows what I'm going to ask.
Wala akong nagawa kung hindi manahimik na lamang, ilang beses na ba sa loob ng isang linggo na sinubukan kong sumama kay manang. And she always give me the same answers.
Nagpatuloy nalang akong maglakad papunta sa kwartong pinaglalagian ko.
"Atsaka hija, nais mo bang ipagtimpla kita ng gatas?"
"Naku manang huwag ka nang mag-abala, matulog na po kayo."
Papasok na sana ako sa loob ng silid nang marahan niya akong hawakan sa braso.
"Patawad at wala akong maggawa para matulungan ka Aria" marahan ang boses ni Manang Fe."Wala po kayong kasalanan," tipid ko siyang nginitian.
"Hindi ko nais na mas lalo kang masaktan ngunit hinuha ko ay nararapat mo lang itong malaman"
"Ano po yun?" nababahala kong tanong.
"Hindi ba't pinakiusapan mo akong tingnan ang kalagayan ng pamilya mo sa bahay niyo?"
Hindi ko alam kung saan patungo ang sinasabi ni manang ngunit mas pinili ko nalang na hintayin ang sasabihin niya. Huminto muna ako sa pag-akyat and she did the same too.
"Ang iyong mga magulang at ang iyong nakababatang kapatid ay umalis na sa inyong dating bahay. Walang nakakaalam kung saan sila nagpunta, maski ang mga kapitbahay niyo ay hindi alam kung saan sila lumipat." mababa ang boses na aniya.
Ramdam ko ang agarang pag-init ng sulok ng mga mata ko, ilang beses akong tumango at piniling hindi na magsalita dahil sa takot na lumabas ang mga pinipigilan kong hikbi.
Mbilis ang mga hakbang na tumakbo ako hanggang makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng silid at agad na isinara ang pinto. Marahas kong kinagat ang pangibabang labi para pigilan ang mga hikbi.
Kailan man ay hindi ako lumaki na ramdam ang pagmamahal ng mga magulang ngunit hindi ko lubos akalain na hahantong sa ganito ang buhay ko dahil sa kanila.
Halos isang linggo na ako dito sa mansiyong kinaroroonan ko, bilang pambayad sa pagkaka-utang ni Papa sa may-ari ng mansiyong ito. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang taong pinagkaka-utangan ni Papa.
Nang sabihin sa akin ni papa ang tungkol dito ay lubos akong hindi sumang-ayon ngunit nang sabihin nilang kung hindi ako ay si Leila ang ibibigay nila, ang nakababata kong kapatid. Ilang beses akong nagmakaawa ngunit parang bingi lamang sila mama at papa.
YOU ARE READING
Just The Mother Of His Child
RomanceStories starts in many ways they say. Some when they turned at the legal age, some in high schools or in college. Some in workplaces or some in certain places. While Aria Louise Alvarade's story started when she met Atticus Raiden De Villa, a drop d...