Chapter 6

1 0 0
                                    

Aria

Nakatitig lamang ako sa kisame ng silid ni Sir Atticus habang marahang hinahaplos ang buhok ni Arch. Pakiramdam ko nga ata ay buong gabi na akong mananatiling gising dahil sa kinalalagyan kong sitwasyon ngayon. Nakapagbihis na ako at nakasuot na lang ng pajama at puting t-shirt habang nakahiga sa kama ni Sir Atticus katabi ni Arch.

Nang inilagay kasi si Arch ng Daddy niya sa kama ay nagising ito at hiniling na makatabi kami ng Daddy niya kaya imbes na sa silid niya ay mas pinili ni Sir Atticus dito sa silid niya dahil di hamak naman na mas malaki at malawak ang kama niya dito na magkakasya kaming tatlo. 

Kami lang naman dalawa ni Arch ang nandito kaya kahit papaano ay komportable naman ako, matapos kasi nitong maligo ay nagpaalam ito na didiretso sa opisina nito sa kabilang silid at may tatapusin munang trabaho. Hindi ko nga alam kung bakit nagpapaalam pa ito sa akin.

Nang masiguro kong mahimbing na ang pagkakatulog ni Arch ay nagpasya akong bumaba nalang muna sa kusina para makainom ng tubig, baka sakaling dalawin na ako ng antok pagkatapos.

Tumayo ako at inayos ang pagkakakumot kay Arch bago lumabas ng silid at bumaba sa kusina. Tahimik na ang buong bahay at sa palagay ko ay kami na lang ni Sir Atticus ang natatanging gising.

Matapos kong uminom nang tubig ay aakyat na sana ako pabalik sa itaas nang tumunog ang telepono sa na nasa sala ng bahay. Agad akong tinakbo ang sala para puntahan ang tumutunog na telepono, agad kong sinagot ang tawag pagkuha ko ng telepono.

"Hello?" patanong kong sagot dito.

"Hello, kayo po ba to ma'am? Ako po yung bagong guard sa front gate ng bahay, may lalaki po kasi dito na gustong pumasok. Kapatid daw po siya ni sir Atticus at maam Iyah, pero unang araw ko pa lang po kasi ngayon kaya hindi ako sigurado kung papapasukin ko po, maaari niyo po bang ipaalam kay Sir Atticus?" mahabang paliwanag nito.

"Ah sige po manong, pakihintay nalang po saglit" sabi ko.

"Sige po ma'am pasensiya na po sa istorbo" sabi nito na sinagot ko lang ng walang anuman bago ibinaba ang telepono. Agad na din akong umakyat sa taas patungo sa katabing silid ng silid ni Sir Atticus para katukin ito.

Tatlong beses ko itong kinatok bago pihitin ang door knob, napasinghap ako nang mabuksan ko ito, siguro ay hindi siya mahilig maglock ng pinto.

"Sir? Uhmm Atticus?" sinubukan kong tawagin itong Atticus, ngunit katulad kanina ay wala man lang sumagot. Dahil dito ay nagpasya akong pumasok na ng tuluyan sa loob nito. 

Maraming book shelves sa silid na ito, malawak katulad siguro ng silid niya sa kabila. Ilang lakad pa ay natagpuan ko  na itong nakayuko ang ulo sa isang mesa. May nakapatay na laptop sa harap nito at maraming papeles na nakakalat sa mesa. 

"Atticus?" subok kong paggising sa kaniya. Sa totoo lang ay nahihiya talaga akong tawagin siyang Atticus pero kailangan kong sanayin ang sarili ko para mawala na ang pagkailang na nararamdaman ko sa tuwing sinasambit ko ang pangalan niya.

Umungol siya bago marahang itinaas ang ulo mula sa pagkakayukyok sa mesa. Mapungay ang mga mata nito ng tumitig sa akin, magulo ang buhok at magkasalubong ang kilay. 

"What?" paos pa ang boses nito. Bakit mas pinili niyang dito matulog? Maaari namang sa loob ng silid niya. Siguro ay ayaw niyang makasama ako sa loob ng iisang silid.

"Tumawag kasi yung bagong guard sa front gate, may gusto daw kasing pumasok na lalaki ang sabi ay kapatid niyo ni Iyah, gusto lang ikumpirma nang guard sayo kung papapasukin ba" nang sabihin ko ito agad na siyang tumayo bago marahas na naglakad palabas ng silid narinig ko pa ang mahina ngunit mariin nitong mura nang lumagpas sa akin.

Just The Mother Of His ChildWhere stories live. Discover now