Aria
Bumalik na ako agad sa loob ng silid ni Atticus matapos lumabas mula sa pinto ni Iyah.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto bago pumasok sa tahimik na ngayong silid kung saan nakahiga si Arch at Atticus ng magkatabi.
Tahimik na ang loob kaya agad na akong humiga sa tabi ni Arch na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa din.
Patagilid Akong humiga para mas mapagmasdan silang dalawa na magkatabi habang natutulog. Hindi maikakailang mag-ama nga sila, mula sa hugis ng labi, tangos ng ilong at lalo na ang mga mata nilang dalawa kapag parehong tumititig sa akin.
Ngayon ay hindi ko mapigilang maisip kung ano nga ba ang hitsura ng ina nito. Siguro ay namana nito ang maliit na mukha mula sa nanay nito.
Kakatitig sa kanilang dalawa ay hindi ko namalayang tuluyan na pala akong nilamon ng antok.
———
Nagising ako kinabukasan na nag-iisa nalang ako na nakahiga sa malawak na kama.
Sandali pa akong napatitig sa kisame bago tumayo at inayos sandali ang kama at mga unan bago pumasok ng banyo, naghilamos at nagsepilyo bago tuluyang bumaba sa unang palapag ng bahay.
Napalingon ako sa malaking wall clock para alamin ang oras at nakita kong mag aalas otso na pala ng umaga. Siguro ay dahil matagal kaming nakatulog kagabi kaya kahit hindi ako sanay na matagal magising ay akala ko alas sais pa lang ng umaga.
"Arch?" nagbabakasakaling tawag ko sa kanila habang pababa ng hagdan ngunit wala akong nakuhang sagot.
"Atticus?" si Atticus naman ang sinubukan kong tinawag ngunit wala pa din akong sagot na natanggap.
Nang tuluyang makababa ng hagdan ay agad na akong nagtungo sa kusina. Pagpasok ko ay nakita ko agad si Iyah na mag-isang kumakain sa hapag.
"Iyah" pag-agaw ko sa atensyon nito. Marahan ko siyang nginitian bago lumapit sa kaniya bago umupo sa tabi nito
"Good morning" she greeted me giving me a small smile.
"Have you seen Arch and Atticus?" I asked her. Sasagot na sana ito nang maagaw ang atensyon namin at napunta sa pinto ng kusina nang pumasok si Anna na tila may hinahanap. Agad itong napasinghap na tila nabuhayan ng loob nang dumako ang tingin sa amin ni Iyah.
"Nandiyan si Sir Blade sa labas ng gate ma'am Iyah" agad na sabi nito.
Agad na napaayos ng upo si Iyah dahil sa narinig bago nakasagot.
"Tell him I'm not here Anna" she said sounding unsure.
"Pero po kasi nasa labas na po si Sir Atticus, galit na galit po ma'am eh." Kinakabahan nitong sumbong.
Tuluyan na kaming napatayo ni Iyah dahil sa sinabi nito. Si Arch agad ang unang pumasok sa isip ko.
"Nasaan si Arch Anna?" Kinakabahan kong tanong dito.
"Nasa likuran po ng bahay at naliligo sa pool kasama si Elmer " tukoy nito sa kapatid nito na kasalukuyang naninilbihan bilang bagong bodyguard ni Arch. Dalawang taon lang siguro ang tanda ko dito. Bahagya naman akong napahinga ng maluwag dahil sa sinabi nito.
Napalingon ako kay Iyah nang humawak ito sa akin na agad ko namang tinanguan.
"Let's go" sabi ko bago kami nagmadaling lumabas ng bahay para puntahan sila Atticus. Hindi na namin inalintana ang napakainit na sikat ng araw dahil sa pagmamadali.
"How dare you impregnate my sister you asshole?!" Medyo may kalayuan pa mula sa gate ay narinig na namin ang malakas at galit na boses ni Atticus.
Mas lalo naman naming binilisan ang pagtakbo patungo sa kinaroroonan nila. Naabutan namin si Atticus na nasa mismong harap na ni Blade habang mahigpit nitong hawak ang kwelyo ng suot na polo nito.
YOU ARE READING
Just The Mother Of His Child
RomanceStories starts in many ways they say. Some when they turned at the legal age, some in high schools or in college. Some in workplaces or some in certain places. While Aria Louise Alvarade's story started when she met Atticus Raiden De Villa, a drop d...